Napatingin ang lahat ng pumasok ng cafeteria si Cameron at nasa likuran nito ang pinsan na si JP. Kumunot ang noo ni Quincy ng makita ang itsura nito. Halatang-halata sa mukha nito na kagagaling lamang ni Cameron sa pag-iyak.
"What happened to Cameron? He looks sad." malungkot na bulong ng babaeng nasa kabilang table.
"True. I guess my baby is okay." pagsang-ayon pa ng kausap nito.
"First time ko atang nakitang ganyan ang mukha ni Fafa Cameron. What happened kaya?" nag-alalang tanong ni Princess habang nakatingin sa binata.
Kinuha nito ang sunglasses na suot-suot ni JP at isinuot niya iyon. Ultimong sina Dranreb rin ay nagtataka sa itsura nito pero mabilis na senyasan ni JP ang mga kaibigan na wag na munang magtanong-tanong. Wala ng nagawa pa ang mga ito kundi tumango na lamang.
"I really wonder why he looks like that. Sobrang imposible naman na umiyak siya dahil kay Eliana, sobrang imposible no'n. What do you think bestie?"
"Hindi ako interesado sa kanya Princess. Kung gusto mo'ng masagot tanong mo, tanong mo kay Calvin o kay Kyle." masungit na sagot ni Quincy sa kaibigan.
"Attitude ka gurl?"
Hindi na siya sumagot pa rito at nagpatuloy na lamang sa kanyang pagkain.
Napatingin sina JP sa kanilang harapan ng makita si Eliana sa kanilang harapan. Bumuntong-hininga na lamang ang binata bago tingnan ang pinsan.
"Came-."
"Wag ngayon." pagpuputol ni Cameron sa pagtawag nito sa kanya.
"Gusto ko lang sabihin na sabihin sa'yo na mamaya ang check up ko." mahinang ani Eliana.
Humigpit ang pagkakahawak ni Cameron sa tinidor ng marinig ang sinabi ng dalaga. Pasimpleng tinapik ni JP ang balikat nito bago pekeng umubo.
"May practice kami mamaya, Eliana kaya mukhang hindi ka masasamahan ni Cameron."
"I'll go with you." lahat ay napatingin kay Calvin ng sabihin niya iyon.
Makahulugan siyang tiningnan ni JP at nagtataka naman tumingin sa kanya si Cameron. Hindi na lamang niya pinansin pa iyon, muli siyang tumingin kay Eliana na mukhang nagtataka rin sa sinabi nito.
"Pwede naman akong mahuli sa practice, right Captain?" makahulugang tanong nito kay Cameron pero nanatili lamang itong tahimik.
"It's okay kung makakaabala ako sa'yo, Cal. That's okay magpapasama nalang ako sa friend ko."
"No, I'll go with you. Just tell me what time is it." pagmamatigas nito sa dalaga.
Napalunok na lamang ang dalaga bago tumango. Hindi siya pinansin ni Cameron at mabilis na tumayo sa kanyang kinauupuan. Naglakad siya palabas, napatigil na lamang siya ng may humarang sa kanyang dinadaanan. Kumunot ang kanyang noo ng makita kung sino ito.
"Malawak ang daan bakit kailangan mo pang humarang?" masungit na tanong nito sa dalaga.
"Sino may sabi sa'yong nakaharang ako sa dinadaanan mo? Nagkataon lang na nagkasalubong tayo." seryosong sagot naman ni Quincy.
Dahil mas matangkad si Cameron sa dalaga. Nakatingala pa ito habang ang kanyang kamay ay bahagyang nakatakip sa kanyang mata dahil tumatama sa kanila ang ligawan na nanggaling sa araw.
Naningkit ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang dalaga.
"Anong naisipan mo at gusto mo pang samahan si Eliana?" bulong ng kakambal ni Calvin sa kanya.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
Loving You Is A Losing Game
Художественная прозаCameron. The most infuriating man in existence. A whirlwind of charm and chaos, capable of both devastating cruelty and irresistible allure. He could twist any woman around his finger, a master manipulator cloaked in ungentlemanly behavior, yet some...
