PROLOGUE

2.6K 105 54
                                    

"6 months, Ma."


"Sabi ni Dr. Perez, 6 months na lang yung natitira sa 'kin." mahina kong sambit sa kaniya nang hindi man lang siya tinitignan sa mata.


Dalawang linggo na rin ang nakalipas simula noong nagpacheck-up ako, noong nalaman ko sa doktor ko na may sakit uli ako. Only this time, this sickness will end my life for real.


Everything will end at 6 months, specifically.


I tried to sway the thought away by retrieving my toiletry pouch from the suitcase. Mukhang kumpleto naman na yung mga kakailanganin ko according to my checklist. I double checked the other stuff and ticked it off the list after being sure that my things were all in there.


This is a habit of mine. 'Yong gumawa ng checklist.


"Anak... anak." My mom cried. "Wag naman tayo mawalan ng pag-asa? Please, anak?"


Inagaw sa 'kin ni Mama yung pouch saka hinawakan nang mahigpit yung mga kamay ko. "Hahanap tayo ng pinakamagagaling na doctor. Mapapagaling ka nila. Kaya, please? Dumito ka na lang muna. 'Wag kang umalis. Magpagaling ka."


"Anak... please." she begged.


Patuloy lang ang pag-iyak niya at paghigit niya sa mga kamay ko. I composed myself, bit my lip, and mustered the courage to look straight into her eyes.


And for a second, I considered dropping my checklist, my stuff, my plans. Lahat.


Dahil sa totoo lang, nasasaktan din naman ako. Pero, hindi dahil sa mamamatay na 'ko. Nasasaktan ako kapag naiisip ko ang mga taong maiiwan ko, ang mga kaibigan ko pati na yung mga magulang ko.


Kaso kasi sa buong buhay ko, laging sila na lang yung iniisip ko. Gusto ko naman sana na this time? Ako naman.


"Ma, please let me be happy." I pleaded.


She sobbed harder, grabbed onto me as if I am about to turn into dust and be blown away by the wind all of a sudden. "Let me be happy. Just this once." I smiled as I wiped away her tears and pulled her for a tight hug.


"Just this once, before I leave."


I waved my good byes to Papa before entering the airport while Mama refused to come with us dahil sa sama ng loob na itutuloy ko pa rin ang balak kong pag-alis. Kasalukuyan na akong nakapila para i-check in ang mga luggage ko nang biglang nagring ang phone ko.


Clint calling...


"Leo, don't go." bungad ni Clint, isa sa mga kaibigan ko, mula sa kabilang linya.


"Nasa airport na 'ko, Clinton."


"Hindi mo ba naisip na lalala lang yung sakit mo?!" may nginig ang boses niya. Halatang paiyak na. I sighed before answering, "Don't worry. Lahat naman tayo sa ganito matatapos. It's just that... mapapaaga lang ako."


The other line went quiet for a minute. Akala ko ay tapos na siya kaya i-eend ko na sana ang tawag ngunit nagpahabol pa siya. "Leo, you know I like you. Right? I like you that's why I want you to stay. At magpagaling. So, Leo? Please."


"Clint, look," I took a pause from walking, "I am not giving up. I am still living my life by my own rules and happiness. And, for someone who has his days numbered, that's enough."


Silence on the other line again.


"See you pag-uwi ko, Clinton. Let me go. Let yourself go from me because you know full well that I can't return back your feelings." I firmly said, ending the call. Hindi ko na kayang makipagdiskusyon pa sa kanya.


After going through the airport's protocols, I walked straight towards the rows of seats. I waited for the announcement to board the plane.


Habang nag-uubos ng oras ay pinanood ko ang mga eroplano sa labas ng naglalakihang bintana rito sa airport, iniisip kung isa kaya sa mga 'yon ang mga masasakyan ko sa paglibot sa iba't ibang bansa. Sa loob ng anim na buwan.


Anim na buwan... paalala ko sa sarili ko. Anim na buwan para makaikot sa mga lugar na gusto ko. I made a list, typing Singapore, Thailand, Italy, Japan, Korea and France on my list.


The checklist is named: Around the world in 6 months (or at least before I die).


6 dream countries for 6 months. I stared at the list as I thought of adding one last country.


Pilipinas.


Dahil sa lahat ng paglalakbayan ko, kailangan ko rin ng uuwian.


So, here's to hoping that before I reach my final destination, I can say that I lived my remaining days to the fullest.


Who knows? Maybe this could be the happiest part of my life. Maybe I could be the happiest kahit huli na.


"Your attention please. Passengers of Changi, Singapore on flight number S614 please proceed to Gate 4 for boarding. Thank you."

Land Meets SkyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang