05

674 28 21
                                    

"I am calling the police! You are really going to get jailed this time around!" Rinig ko ang malakas na sigaw ni Leo mula sa kabilang banda ng pinto kahit pa isinara niya na 'yon. Kinandado niya pa nga yata dahil sa pagkagulat nang makita ako. 



"Wait lang! Mag-eexplain muna ako!" Sabat ko sa kanya habang malakas kong kinakatok ang pinto. "'Wag ka tatawag ng pulis, please." Muntikan niya nang gawin 'yon noong nasa Singapore kami kaya naman natatakot ako na baka totoohanin niya na rito sa Pilipinas. Malilintikan pa ako kay Nanay kapag nagkataon.



"Are you my stalker?!" Pangunguwestiyon niya.



"Hindi! Dito ako nakatira, Leo. Buksan mo na kasi, please?!"



"Anong dito ka nakatira?! Ginagago mo ba ako, e, resort 'to?"



"Exactly!" Garalgal na ang boses ko sa pagsigaw rito sa labas.  Kailangan ko siyang mapilit na hindi ko nga siya sinusundan at hindi ko naman sinasadya na magkita kami ulit. "Resort 'to at dito ako nakatira kasi amin 'tong resort na 'to." I knocked at the door again, pleading. "Buksan mo muna, please?"



Wala na siyang isinagot pagkatapos. Pinili ko ng mag-intay pa nang saglit bago ko narinig ang ingay na nagmumula sa lock ng pinto, pahiwatig na binubuksan na 'yon ng kausap ko. Nabuhayan naman ako nang makita ang mukha niya.



"Do you really..." He licked his bottom lip before meeting my gaze. "Own this resort?"



I took a good look at Leo, who is now in his olive green satin pajama and robe, specifically the single white robe we offer to our clients. The article of clothing seemed too large for him as it exposed slight of his chest and collarbone. Basa pa ang buhok niya at mukhang bagong ligo lang. Mukha namang napansin niya ang pagtitig ko kaya pinanliitan niya ako ng mata. "Hoy, Xander. May tinatanong ako sa 'yo."



"Ah-" I shook my head to stop myself from staring. "Yes. This is our resort. Kung gusto mong makasigurado, pwede kang magtanong sa lahat ng staff dito na nakasuot ng uniform at i-coconfirm nila sa 'yo na kilala nila ako."



I clasped my two hands together in front of my face, closing my eyes. "Basta, please, 'wag ka tatawag ng pulis kasi ayokong mastress si Nanay."



"Last time na nasa Singapore tayo, dapat nakakulong ka na kung hindi lang ako kinausap ng tatay mo. Ngayong nasa Pilipinas na tayo, ipapapulis na naman kita pero mukhang nanay mo naman ang makakausap ko para hindi 'yon matuloy." Narinig ko ang pag-buntong hininga niya kaya idinilat ko ang isa kong mata. Bumungad sa akin ang nakapamewang niyang postura at nakataas na kilay. "You know what that means?" I teasingly asked.



"Lagi't laging may paraan para magkita tayo ulit." I beamed as I now rested my hands by my side. "Nang hindi sinasadya pero parang planadong lahat para sa ating dalawa."

Land Meets SkyWhere stories live. Discover now