02

1K 46 20
                                    

"This is a bit... underwhelming."

Napasinghal ako. I took full offense dahil gandang-ganda ako sa lugar na 'to noong una akong pumunta sa Singapore. Tapos, sasabihin niyang underwhelming?!

"Pasensya na sabi ng Joo Chiat Road, ha!" I crossed my arms on my chest. "Hindi pa pala enough na halos present na 'yong 7 colors of the rainbow sa kahabaan ng mga shophouses dito. Gusto mo bang papinturahan ko 'to gamit yung 64 colors ng Crayola ko noong Grade 3? Para 'di ka ma-underwhelm?"

Lumipat ang tingin niya mula sa kahabaan ng mga bahay papunta sa akin. Saglit niya akong pinanliitan ng mga mata saka biglang ngumisi. Hindi naman 'yong tipikal na nakakalokong ngisi na nang-aasar pero 'yong mga tipong parang nagpipigil siya ng tawa.

"Idiot." I heard him whisper.

"Anong sabi mo?!"

He bit his lip before directing his gaze again towards the pastel blue shophouse in front of us. "Wala. You probably heard someone else."

Anong I heard someone else? Kaming dalawa lang naman ang magkatabi at nakasandal rito sa van! Pinagtitripan yata ako nito. Aba, pasalamat na lang siya at nakokonsensya rin ako ngayon dahil mukhang pinagtitripan ko rin siya sa tour na 'to. Kasi hindi naman talaga ako yung tour guide niya.

Bigla kong naalala, paano ko nga pala sasabihin sa kaniya mamaya na hindi talaga ako 'yong mag-iikot sa kaniya sa Singapore? Baka magagalit 'to. 'Wag ko na lang kayang aminin para safe?

Palihim akong nagnakaw ng tingin. Sa buong byahe namin papunta rito sa Joo Chiat, nanatili lang siyang tahimik kahit ang daldal ko. Well, aminado naman akong madaldal ako, ano. Pero, 'ayun nga, kalmado at lagi lang tikom yung bibig niya. Maigi siyang nakikinig sa mga sinasabi ko kanina habang nagda-drive. Minsan naman, nakatingin siya sa labas, sa dinaraanan namin papunta rito sa Joo Chiat Road, at mukhang malalim ang iniisip. Para lang siyang nakikinig ng podcast ko habang nag-sesenti rito sa Thailand.

Mukha namang mabait siya atsaka 'di marunong magalit. Baka hindi naman big deal sa kaniya kapag nalaman niya hindi talaga ako yung tour guide niya?

"Sabi mo, ito yung unang lugar na pinuntahan mo sa Singapore. Bakit?" biglaan niyang tanong.

Nilihis ko ang tingin ko dahil nahuli niya akong nakatitig sa kaniya. "Hm," Kamot-ulo akong napaisip. "You should know, hindi lang naman ito yung buong Joo Chiat. One part lang itong makukulay na shophouses. Mayroon ding Geylang Serai Market, Terrace Houses tapos 'yong Sri Senpaga Vinyaga Temple. Kaya maganda ikutin."

"Besides..." Nagdadalawang-isip ako sa sasabihin ko. "I needed something colorful at crowded para i-cheer up ako sa unang dating ko rito."

"Why? Hindi ka ba masaya noong nagbalak ka pumunta rito noong first time mo?" He tilted his head.

Napangiwi naman ako. "Hindi ko naman talaga balak pumunta rito noon, e. More like, kinailangan kong pumunta rito. Need ko kasing kuhanin 'yong sustento ng Tatay ko para sa aming magkakapatid. Noong naghiwalay na sila ni Nanay, dito siya dumiretso sa Singapore para magtrabaho tapos naiwan kami sa Pilipinas. Hanggang sa niyaya niya na lang ako na pumunta rito every two months para raw nakikita niya ako personally. Saka para nakakagala na rin daw ako sa ibang bansa."

"I see." He slowly nodded. It is as if I have just answered a mystery he is trying to solve.

Napa-overshare na naman ako. 'Tong bibig ko talaga, 'di uso ang preno. Tignan mo, baka isang araw pa lang kaming magkasama nitong si Leo, alam niya na pangalan ng buong angkan at ng ex ko.

Land Meets SkyWhere stories live. Discover now