04

561 23 5
                                    

"Ayaw mo na ba umuwi rito sa amin?" Masungit ang pagkakatanong sa akin ni Nanay mula sa kabilang linya, halatang nagtatampo pa. Ganyan naman siya lagi kapag pumupunta ako rito sa Singapore para bisitahin si Tatay.



Akala niya kasi, uuwi akong mas mahal si Tatay kaysa sa kaniya.


"Miss mo na ako, 'Nay?"


"Miss kutusan. Bilisan mo na at umuwi ka na rito." Utos niya.


"Sweet talaga ni Nanay. Ano po ba gusto mong i-uwi ko sa 'yong pasalubong? Bag? Damit?" Paglalambing ko.


Narinig ko naman ang pag-angal niya, "Kung galing lang din naman sa pera ng Tatay mo 'yan, 'wag na lang. Baka sabihin niya pa, ginagamit kita para bilhin ang mga luho ko sa buhay." Wala ako sa tabi niya pero alam kong salubong na naman ang mga kilay niya ngayon habang nagsasalita.


"Ah, alam ko na kung anong i-uuwi ko sa 'yo." Sumimsim ako mula sa kape ko bago ituloy ang sasabihin, "Uwian na lang kita ng foreigner mula rito sa Singapore para 'di ka na high blood."



"Tarantado ka! Umuwi ka na nga!" Nag-aalboroto niyang sigaw sa akin.


Nang ramdam kong sagad na ang pang-aasar ko sa kaniya ay nagpaalam na ako. Hindi ko na sinabi sa kaniyang kinabukasan na ang flight ko pabalik ng Pilipinas dahil nawala na rin sa isip ko. I-tetext ko na lang siguro si kuya Xion bukas bago pumunta ng airport para masundo niya ako pagkalapag ng eroplano.


At dahil nga bukas na ang alis ko, napagdesisyunan ko nang ayusin ang maleta ko. Madali na lang ang pag-aayos dahil nakapaglaba at tiklop na rin ako doon kay na Stephen bago umalis sa bahay nila. Nagcheck-in ako sa hotel na mas malapit sa airport para 'di na rin hassle don sa pinsan ko. Maaga akong gigising dahil umaga ang flight ko at ayoko namang mapaaga rin sila dahil sa akin.


Nililinis ko na ang laman ng shoulder bag ko nang may nakita akong pamilyar na panyo.


"Ah, ito 'yong nakita ko sa may Marina Bay!" Binuklat ko mula sa pagkakatupi 'yong panyo, "Nako, hindi ko pala nalabhan 'to. Mamaya may germs pa siya."


Dumako ang tingin ko sa mga letrang nakaburda doon sa tela, dalawang letra: P.L.


"Bakit kaya iniwan ni sir P.L. 'tong tela doon sa bay. Babalikan niya pa rin kaya 'to?" At kung babalikan niya, magkakatagpo pa ba kami ulit para maibalik ko sa kaniya 'tong gamit niya?


Pinag-iisipan kong mabuti kung iiwan ko ba ang panyo rito sa hotel o dadalhin ko hanggang Pilipinas at lalabhan. Naisip ko naman kasi, paano kung hindi na kami magkita nung lalaki, e 'di akin na lang 'to? Kaso, ang panget naman yatang gumamit ng panyo ng iba, baka nakakadiring tignan kahit nalabhan ko naman na.


Mga sampung minuto ko rin sigurong inaway ang sarili ko bago mapilit ang sarili kong isuksok na lang ang gamit sa maleta.


Hirap ng indecisive, pati simpleng bagay ang hirap desisyunan. Baka mamaya pati paghinga ko, problemahin ko na.


Noong na-double check ko na ang mga gamit ko ay agad na akong humilata sa kama ko. Binuksan ko ang Twitter ko, diretso sa DMs ko. "Luh, seen." bulong ko sa sarili ko nang makita ang asul na tsek sa ilalim ng reply ko kay Leo.


Sadly, pagkatapos ng Pulau Ubin ay wala na kaming naging sunod na gala. Sinubukan ko siyang i-dm at nagreply naman siya pero it's more of a farewell than a conversation.


pleonard: thank you for making singapore memorable

pleonard: i mean

pleonard: for introducing and showing me around


Land Meets SkyWhere stories live. Discover now