01

2.1K 84 50
                                    

XANDER

"Kailan ka raw uuwi rito sa Pilipinas, Kuya?"


Grabe. Kakarating ko lang nung nakaraan dito sa Singapore, gusto na nila akong pauwiin agad?


"Sa Saturday kamo, Xavier." Sagot ko sa kausap ko sa tawag.


Pinaliwanag ko kay Xavier, 'yong kapatid ko, na mananatili muna ako sa bahay ng pinsan naming si Stephen ngayong gabi. Bukas ko imi-meet si Tatay. Tapos, yung mga natitirang araw ay mag-iikot na lang ako rito sa bansa tulad nang lagi kong ginagawa.


"Sige sige. Alam mo na ah," narinig ko siyang bumungisngis. "Pasalubooong, hehe."


"Oo na. Sige na, end ko na yung tawag. Bye-bye!" paalam ko.


Nang maibaba ko na ang cellphone ko ay tinanong agad ako ng pinsan ko na si Stephen kung anong pinag-usapan namin ni Xavier. Na-curious siguro dahil bigla-bigla na lang ding tumawag ang kapatid ko sa akin.


"Tinatanong daw ni Nanay kung kailan ako uuwi. Pinagmamadali ako." reklamo ko sa pinsan kong abala sa pag-dadrive. "Akala siguro niya, isang jeep lang mula Singapore hanggang 'Pinas."


Tawa lang siya nang tawa sa mga sentimento ko habang nagmamaneho. Actually, tuwing pumupunta ako ng Singapore ay ganito na talaga lagi yung routine namin. Magsi-stay ako sa hotel ng isang gabi pagkatapos ng flight, tapos matutulog sa bahay ng niya at tita ko sa natitirang araw hanggang makauwi sa Pilipinas. 'Di naman kasi ako pwedeng mag-stay sa bahay ni Tatay.


Nakakahiya sa bago niyang asawa.


Lumingon si Stephen sa akin nang saglit, "I'm heading to 'Ma first. Will pick her up from work then bring her to a dinner meeting. You okay with that, Xander?"


Walang problema, sagot ko with matching thumbs up pa.


Inadjust ko pababa ang bintana ng sasakyan at inilipat ang tingin ko sa daang binabaybay namin. Doon ko pa lang napansin na nasa Marina Bay na pala kami.


Naisipan kong maggala muna doon kaya tinanong ko si Stephen kung pwedeng ibaba na lang muna ako malapit doon. Pumayag naman siya atsaka tinuro uli sa akin kung paano makakauwi sa bahay nila. Kung sakali lang naman na gusto ko raw magstay ng late sa labas.


Nang makababa ay napag-isipan kong maglakad lakad lang nang saglit hanggang sa makarating ako sa medyo kadulo-duluhan ng bay.


"Walang kupas! Ang ganda mo pa rin talaga, Singapore!" malakas na sigaw ko. May ilang nagtinginan, nagulat yata sa pagsigaw ko. Eh, 'di naman nila ako kilala so, wapakels.


Bukod sa mga ilaw na nakasabit sa mga harang sa pagitan nitong bay at nang nilalakaran kong daan kanina, maliwanag ang lugar dahil sa iilang mga cruise na dumaraan sa baba ng walkway nito. Maliwanag rin ang mga nagpapataasang building rito. May simoy nang hangin na nagtatanggal sa init ng lugar, palibhasa ay gabi na.


Punong-puno rin ng mga tao ang lugar. Karamihan, mga magkakaibigan at pamilyang nagkukwentuhan. Mga nag-seselfie at 'yong iba kumukuha ng litrato ng buong lugar.


At may lalaki, sa 'di kalayuan. Hindi ko masyadong naaninag ang mukha niya pero kita kong nakasandal siya doon sa railing at malayo ang tingin.


Bago ko pa siya mapagmasdan nang mabuti ay may mailaw at may maingay na ipinalipad sa langit. Fireworks. Oo nga pala! May fireworks show nga pala rito nang ganitong oras at araw.


Maigi kong pinanood ang matitingkad na ilaw na kumukulay sa langit. Hindi ko naman mapigilang ngumiti. Kahit ilang beses na akong nagpupunta rito at kahit ilang beses ko nang napanood 'to, para pa rin talaga akong batang namamangha sa mga paputok na 'yon.


Land Meets SkyWhere stories live. Discover now