06

380 9 3
                                    

I'd keep that name close to me, always.


"Buds!" I called out to the guy who now leans right by his floor's corridor. The early rays of the morning sun shone down on him, adding to the natural glow of his skin. "May i-sesetup lang kaming tent malapit sa beach. Tawagin ka na lang ng mga kapatid ko kapag kakain na tayo, okay?"


I faintly saw the corner of his lip raise. "Sige, hintayin ko na lang."


Nasa kalagitnaan na ako ng gawain namin dito sa beach nang biglang dumating ang tatlo kong kapatid. Nakaakbay si kuya Xion doon sa dalawa habang naglalakad sa direksyon ko. "Patapos ka na ba raw, Xander? Kain na raw tayo sabi sa amin ni Nanay." Tanong niya sa akin. Tumanggi naman ako at sinabing medyo matatagalan pa kami.


"Ah, habang naghihintay. Patawag naman si Leo kasi sabay sana sa atin 'yon kakain." Hingi ko ng pabor ko sa kanila.


Napabuga naman ng hininga ang kuya ko sabay iling. "Nakuwento sa amin ni Xavier 'yong Leo, ah. Grabe, coincidence lang ba talagang sabay na kayo sa eroplano, magkatabi pa kayo, ta's ngayon, dito siya sa resort natin nagstay?" Napakamot naman sa baba si Xavier. "Alam mo, kuya Xander, baka maniwala na ako sa pa-utot mong destiny nga talaga kayo no'ng Alden Richards mo." Sambit niya.


Nagkrus naman ang mga braso ni Xiao, "Hindi totoo ang destiny, 'no." Siyang sunod naman ng tawa ni kuya Xion dahil sa narinig mula sa bunso namin. "Lakas maging ampalaya. Ilang divorce na napagdaanan mo, Xiao?" Pang-aasar ko.


"Wala pa naman, kuya. Nakakatakot kaya maglovelife, baka magaya ako sa 'yong iniwan ng ex para lang sa bestfriend niya." Seryosong sabat niya.


Humagalpak naman ng tawa ang dalawa ko pang kapatid na siyang kinaasar ko. Badtrip! Kuhang-kuha talaga ang inis ko. 'Di bale, gaganti ako sa mga 'to mamaya. "Tuwang-tuwa ha. Doon na nga kayo!" Pagtataboy ko sa kanila. "Tawagin niyo na si Leo. 201 room niya, parehong building natin."


Nang maitayo na namin ang tatlong tent 'ayon sa request ng kliyente ay niyaya ko na ang mga tauhan namin para kumain. Gano'n kami halos tatlo o apat na beses sa isang linggo. Gusto ni Nanay na maging malapit kami sa bawat nagtatrabaho sa business namin dahil, sabi niya, 'yon daw ang sikreto sa magandang negosyo — ang maganda at matibay na samahan ng mga nagtatrabaho at ng may-ari. Para mas maging masaya at sama-sama ang kainan, napagdesisyunan naming lagi mag-boodle fight.


Pagkadating sa pwestong pagkakainan namin ay nakita kong nakalatag na ang pagkain. Pumapaibabaw sa dahon ng saging ang mahabang hilera ng kanin, bangus, longganisa, kamatis, manok, at iba pang mga putahe.


Dumako ang tingin ko sa dulo ng mahabang mesa, kinukulit ni kuya Xion si Leo. Nasa kabilang banda naman nila si Xavier at si Xiao. Pansin ko agad ang pagiging ilag ng pinakabunso namin na siyang ipinagtaka ko. "Problema niya?" Singit kong tanong nang pumagitna ako sa kuya ko at ni Leo.


"Sino? Si Xiao?" Balik na tanong ni kuya. "Ilag diyan sa Alden mo. No'ng tinawag ba naman kamo namin sa kwarto, sinungitan ni Xiao!" Dagdag niya.


Bakit? Hindi ba nagkasundo yung dalawa? "Anong nangyari?" May halong pag-aalala ang boses ko nang lumingon ako sa kabilang gawi ko, kay Leo.


He awkwardly scratched his nape. "I don't know. When I opened my door, I just saw him and your brothers tapos niyaya nila ako kumain." He recalled. "I nodded naman. E, 'di ko alam kung ano pang isasagot ko kasi they were staring at me. That's when Xiao said 'Lalabas na po ba kayo o gusto niyo pa po nang hinihila palabas?'" Napakagat ng labi si Leo habang napabalikwas ako sa mga narinig ko.


Agad kong binato nang gulat na ekspresyon si Xiao. Nakita ko namang bumuka ang bibig niya — at sinara niyang ulit. Para bang may gusto siya ipaliwanag pero pinili niya na lang manahimik.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Land Meets SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon