CHAPTER I

299 3 2
                                    

"Grabe third year college na tayo magfofourth year na next sem wala ka pa ring ini-entertain, 2 years na after ni Blair ah" sabi ni Joan habang andito kami sa sasakyan ni Cali dahil trip niya kaming suduin dito sa school. Galing pa ata to sa Baguio at niyaya na ang sarili para pumunta sa bahay.



Buti nga at sa Marcos na siya dumadaan dahil ayaw ni Jasper na jowa niya(unlabeld pala sila)na sa Kennon siya dumadaan.



"alam mo Shayne may irereto sana ako sayo eh, mechanical kaya lang medyo maloko I mean hindi yung badboy pero yung malokong kaibigan ganon, jolly" sabi ni Cali.


"ay yan yung mga gusto ni Shayne mga medyo maloko" sulsol pa ni Joan


"Ayaw ko nga ng taga Manila or Baguio diba? oks na ako sa mga taga City around Pangasinan"


"Ayan na naman tayo ih, ayaw mo kasing itry" sabi pa ni Mariel.



"Mababait kaya mga taga Baguio, di katulad nung Blair na yun napunta lang sa Manila akala mo nakakita na ng angel eh mga wild naman taga don" depensa naman ni Cali dahil generalize ko na naman ang mga City boys na happy go lucky tas mayayabang.



"Pero kung ayaw mo oks lang din naman" tuloy pa niya at tumahimik na siya, mabuti naman


"Bat ba kasi ayaw mo pang itry? talking stage lang namaaaaan?!" biglang bawi pa amp.



"Chaaaar pero wag mong pilitin kung di ka pa ready, pero mabait yung friend ko solid" dagdag pa niya. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo since sobrang solid din yung friendship na meron si Cali sa Baguio.


"osige na ngaaaa" sabi ko dahil gusto ko rin namang may kausap "pero ayaw kong ako ang unang magchat, pero oks lang din kung ako, ano bang pangalan?" sabi ko paaaa kalandian mo Shayne di mo mapigilan.


"Enzo pangalan niya, sabihan ko muna siyaaaaa kailan mo ba gusto? tonight mo na ba gustong kausap?" HAAHAHAHA tumawa pa siya ng malakas. napakaoa talaga nitong babaeng to.


"ay ang OA sa march na lang  ganon HAHAHAHAHA" sagot ko


"tangina ka Shayne kulang na dalawang buwan pa" sabay sabay pa nilang sabi.


Bakit ba eh don ko gustong lumandi eh HAHAHAHA


"tangina pag ikaw talaga tumandang dalaga libre mo lahat ng trip namin sa ibang bansa" sabi na lang Cali dahil naiinis na siya HAHAHAHAHA


Last sem pa kasi niya sinasabi na irereto niya sakin yung kaibigan niya pero di ko lang pinapansin at ngayon lang ako umoo tapos sasabihin ko pang sa march na HAHAHA



"eh gusto ko nga mameet ko muna siyaaaa, paano kung mayabang pala siya?" sagot ko pa

FLIGHT (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now