CHAPTER VI

83 2 0
                                    

KYLE RENZO DELA CRUZ


"Hoy Cali libre mo kami sa birthday mo ah" paano ba naman kasi napakakuripot nito lagi na lang palibre samin, ayaw mabawasan yung kayamanan.....


Andito lang kami sa Caloy's para kumain kasama sila Kyle, Clein at iba pa wala kasi si Aj dahil may family gathering ata sila, invited naman kami pero may katiting pa naman kaming hiya dahil parang reunion na ata nila yon eh


"He!" Magsasalita pa sana siya nang biglang magring yung phone niya



"Hello?" Bungad niya, di naman namin narinig yung sinabi ng nasa kabilang linya pero nakita kong nag-iba yung expression ng mukha niya, namumutla na rin siya



"Okay baba na ako, wala naman na akong pasok"di na siya bumaling samin at tatayo na sana



"Oy san ka?" Tanong pa ni Kyle sa kaniya



"Uwi ako sa baba, si Shayne" natatarantang sagot ni Cali, nagulat naman ako nang sabihin niya yung pangalan ni Shayne at base na sa mukha niya something's wrong.


"Hatid na kita" presinta ko para mabilis siyang makarating at para malaman ko na rin yung kalagayan niya


Di na siya umayaw at sumakay na kami ng sasakyan ko.



Tanginaaaa ngayon ko lang naramdaman to gagi sobrang kinakabahan ako.



Tinigil ko saglit sa gilid yung sasakyan para huminga ng malalim dahil parang nasosuffocate ako sa kaba. Hindi ako makapagconsentrate at kung di ako tumigil baka mas malala yung mangyari



Pinaandar ko na rin agad yung sasakyan para makarating kami agad, sa kennon lang kami dumaan para mas mabilis, okay lang naman siguro kay AJ na dito kami dumaan ni Cali maiintindihan naman siguro niya.


"Magiging okay pa siya diba?" Tanong sakin ni Cali na alam kong kinakabahan pa rin



"Oo naman kaya wag ka nang kabahan jan" sagot ko na kahit ako ay kinakabahan din


"Gashong ikaw rin" sagot niya at tumango lang ako


"Gashong alam ko! alam ko yung rason kung bakit ganyan ka kabahan" Napatingin naman ako sa kaniya


"Nagkausap kayo ni Shayne diba? Pero di ko alam kung hanggang kailan" sabi niya tangina nagulat talaga ako


"Ha? Paano mo nasabi?" Tanong ko para hindi masyadong halata


"Gagi nakita ko one time magkachat kayo, accident lang naman. Tsaka nahalata namin ni Jasper nung nag samgyeop tayo, feeling niyo di namin nahalata pero halatado talaga" sabi pa niya at tumango na lang ako "hoy,nakita ko pa yung navarra mo dati sa tapat nila Shayne pero di ko sure kung ikaw yon" umiling na lang ako dahil wala naman na akong magagawa tsaka di naman na kami nag-uusap.

FLIGHT (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now