CHAPTER X

91 2 0
                                    

Andito ako ngayon sa cafè na tinatayo ko sinama ko na rin si Aulie para makapasyal na rin siya



Kumpleto na lahat ng mga gamit pero finafinalize ko pa mga recipes and menu's



Balak ko na rin kasing magbusiness na lang kapag 30 na ako. Dream ko rin kasing magkaroon ng sariling cafè. I love baking simula pa nung bata ako



Tsaka oks na ako sa experience ko at bigyan din natin yung iba to experience what we experienced. At gusto ko ring magfocus na lang sa family ko kapag magkakaroon HAHAHA



Hooman/pet cafè to dahil we'll offer/sell cakes, foods and drinks for the pets






"Kuaaaa asan na yung sasakyan ko? Malalate na po ako" bungad ko kay kuya sa kabilang linya paano ba kasi ginamit yung sasakyan ko eh alam namang may pasok ako mamayang alas sais ng gabi.



Magdadrive pa ako pangasinan to manila alas otso na ng umaga, anong gusto niyang sabihin wag na ako magpahinga?



"Yang fortuner na lang gamitin mo baby" bukas din naman uwi mo "medyo matatagalan pa ako" di ko ba alam kung saan siya pumunta may sasakyan naman siya, kotse ko pa ang ginamit



Pumunta kasi ako dito sa bahay nila kahapon at dito na natulog para mabati ko agad si Gabe dahil ngayong araw na ang birthday niya



"Osige po, alis na ako kua bye!" Sabi ko at pinatay yung tawag.



Lumabas na rin ako ng bahay at dumeritso sa sasakyan. Buti at nakalabas na ako dahil nag-uumpisa nang dumating mga kaibigan nila kuya, naabutan ko pa nga sila kuya Dave sa parking at nagbatian lang



Pinaandar ko lang ng tama ang sasakyan dahil dito pa lang naman, mamaya ko na papaharurutin kapag sa expressway na



May nakasalubong akong fortuner gagi ang ganda ng pagkakaset up bumusina ito kaya bumusina na rin ako baka bisita lang din to at akala ay si kuya ang nagdadrive


Third Person's POV

"Tangina bro ang tagal mong dumating nakaalis na yung sinadya mo dito sa birthday party" sabi ni Dave sa lalaking kakababa lang sa fortuner



"Ay weh? HAHAHA ays lang maybe some other time" sagot nito



"Ay gagi baka nakasalubong mo siya pre, nagkasalisihan kayo eh" sabi pa ng isa nilang kaibigan

FLIGHT (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now