CHAPTER 25-LAST

135 0 0
                                    

"Renzo ano baaa?" nakailang tawag na ako sa asawa kong praning 


"Isa" sinisigaw ko na yung pagbilang ko, ang tagal lumabas ng banyo, pinapatuyo pa ng todo yung sahig bago ako pagamitin ng cr. 


"Ito na lab, good morning" ngumiti pa siya ng malawak at binigyan ako ng daanan para makapasok sa cr.


Napaka praning kasi akala mo madudulas agadako pag basa ang sahig tsaka hindi ko naman hahayaan madulas ako lalo na dala ko ang little enzo or little shayne namin no


Mabilis na akong naligo at as usual paglabas ko ng cr ay nasa loob pa rin ng kwarto si Enzo, ewan ko ba kasi sa sobrang kapraningan ang daming bawal, bawal pumasok ng cr na naka tsinelas pag basa ang sahig, bawal bumaba ng hagdan ng mag-isa, bawal magdrive ng kotse eh matic lang naman kaya kong idrive at hindi  yon hassle, bawal lumabas ng mag-isa at marami pa ewan ko baaa


mabilis na akong nagpalit ng panlabas dahil gusto kong sumama kay Enzo sa pagpasok sa work, pumayag na ba siya? hindi ko pa nasasabi HAHAHHAA


"ayos na yos ka ah san punta mo? sa garden?"


"No? sasama ako sayo sa office"


"Ha? hindi pwede lab babyahe ng 2 hours paakyat tas 2hours na namanpababa mapapagod ka lang, uuwi rin naman ako mamayang gabi"


"Eh? antagal ko nang hindi nakakalabas dito sa bahay love sige naaaa" 


"love di nga pwede mapapagod ka lang"


"sige naaaaa uupo lang naman ako, wala naman akong gagawin, sige na laaaab" nagpout pa ako para maawa siya sakin


"okay sige na pero sa condo na tayo mag-istay for 1 week para maenjoy mo  naman lamig ng Baguio baka kasi mamaya araw-arawin mo na sumama sa pagbyahe" 


"Yes!" napatalon pa ako sa saya na ikinalaki ng mata ni Enzo apaka talaga "ay sorry sori labyuuuu, thank you" yumakap pa ako sa kaniya bago ko siya ikiss


nagpack lang ako ng ilang mga gamit  dahil may mga  gamit naman na kami sa condo mga feeling ko gusto ko lang isuot ganon. After ko mag-ayos ay bumaba na kami para mag breakfast nagbilin na din si Enzo sa mga kasambahay at guard na di kami uuwi at wag magpapapasok nang kung sino


"love behave ka lang sa office ah?" sinimangutan ko lang siya parang sobrang gulo ko namang tao "ay sorry okay basta wag kang galaw ng galaw love, dapat nga bawal kang magbyahe eh"


"aynako love minsan lang magbyahe tsaka ikaw naman nagdadrive alam kong di mo kami papabayaan"


"HAAHAHHAHAHA alam na alam mo talaga kung paano ako pakiligin , bahala ka nga love" ngingiti ngiti pa ang loko kaya mas lalo ko pa siya inasar pero hindi kiliti ah baka mamaya may mangyaring di maganda


"Matulog ka nga love gisingin kita kapag malapit na tayo, alam ko namang yung weather lang ng baguio ang gusto mo"

FLIGHT (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now