CHAPTER XXII

106 2 0
                                    


Maaga akong nagising at nag-ayos dahil opening ng cafè today.



"Dumating daw kayo ni Enzo kagabi?" Nagulat ako nang makitang si daddy ang nagsalita na kakapasok lang ng hagdan



"Yes dad, nasa duty pa kasi kayo kagabi at di ko na rin po kayo nainform, sorry" paghingi ko ng paumanhin dahil nakalimutan ko talagang iinform sila na nagdala ako ng jowa sa pamamahay nila



"Why are you saying sorry? You're old enough to make your own decision, in fact gusto na nga namin ng apo from you eh" malisyoso niya pa akong tinignan bago lumabas ng kusina para mag kape sa garden at naiwan naman ako sa kusina sakto namang pumasok si yaya



"Ready na ang parents mong ikasal ka. Paano na si yaya? Yung alaga ko may aalagaan nang asawa" umpisa ni yaya nang inumpisahan niyang kumuha ng gatas sa ref



"Yaaaa, bakit ikaw? Di ka ba masaya na ikakasal na ako one of these days?"



"Happy syempreeee ang tagal mo kayang inantay yung the one mo tapos di ako nainform na yung si sir Enzo pala yung nagpapaiyak sayo this past week" naiiiyak na si yaya sa usapan



"Oh ano naman si Enzo lang naman yun? bat ka naiiyak ya?" Loko ko pang sabi



"Kasi nga inaway ko siya nang minsan siyang natulog sa kwarto mo nung wala ka dito sa bahay, nakakahiya haynako kaya pinapaayos ko na lagi yung guestroom para kapag umuwi siya di na siya matulog sa kwarto mo pero malaman laman ko sa guestroom ka rin pala natulog kagabi! Kurutin ko yang pwet mo eh" sabi pa ni yaya pero nakurot na talaga niya yung pwet ko



"Yaaa enough na wala namang nangyari eh" sigaw ko pa at iniiwas ang pwet ko sa kaniya pero pilit niya pa ring hinuhuli



"Love" naagaw naman ni Enzo ang atensyon namin ni yaya. Mukhang napansin niya namang tinatanggal ko pa rin ang pagkakakurot ni yaya sa pwet ko kaya napatawa siya dito pero binawi niya lang din agad ito nang makita niya si yaya



"Yaaa" pagsusuway ko kay yaya nang makitang masungit niyang tinitignan si Enzo. Palibhasa matandang dalaga



Buti at natigil din si yaya at nagpaalam na siya para tumulong sa pagluluto ng breakfast



"Love, alam mo okay naman kami ng yaya mo dati eh not until natulog ako sa room mo once tapos after non sobrang sungit na niya sakin" sabi ni Enzo at sa wakas ay nakalapit na ito sakin "Good morning love" hinalikan pa ako nito sa lips ang tapang ng lokong to hinahalikan ako sa pamamahay ng magulang ko

FLIGHT (Engineer Series #2)Where stories live. Discover now