5: Part time

51 4 2
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

"Kailangan mo ng pera?" tanong sa akin ni Tristan habang s'ya'y naninigarilyo roon sa gilid at nakasandal sa pader.

"Bakit?" tanong ko.

Nilingon naman n'ya ako saka tiningnan nang seryoso. Ayan na naman s'ya sa tingin n'yang nakakapanindig balahibo.

Hindi ko alam kung sino ba ang normal o hindi sa aming dalawa e.

"Papautangin mo 'ko?" tanong ko nang hindi s'ya sumagot. Agad naman akong umiling sa kan'ya. "Hindi na. Maghahanap na lang ako ng tatrabahuan d'yan. Baka hindi ko pa mabayaran 'yang ipapahiram mo."

I heard him click his tounge and rolled his eyes at me. What the?! Sinong babae sa aming dalawa, ha?

"Hindi kita papahiramin," seryosong tugon n'ya.

Bahagyang nanlaki ang mata ko kasabay ng naramdaman kong hiya. Una una ka kasi, Rheign. Hindi ka naman pala papautangin.

"Pero mayro'n akong trabahong alam," tingin n'ya diretso sa mga mata ko.

Napa-iwas naman ako ng tingin sa kan'ya at tiningnan ang pader na sinasandalan n'ya. Para naman hindi bastos at nakikipag-usap ako nang hindi nakatingin sa kinakausap.

"Saan namang trabaho 'yan?" tanong ko sa kan'ya.

Unti unting bumalik ang tingin ko sa kan'ya nang mapansin kong tumingin na s'ya sa malayo. Bumuga pa ito ng usok bago ako sagutin.

"Sa 'kin," diretsong saad n'ya saka ako biglang tiningnan sa mga mata.

Halos mabulunan ako kahit na 'di ako kumakain nang marinig ko ang sinabi n'ya. 'Di ko nagawang umiwas ng tingin sa kan'ya at diniretso na lamang din ang titig sa mga mata ng lalaking 'to.

"A-Ano? Sa 'yo? Dati ka bang baliw, ha?" tanong ko na lamang dito.

Baka mamaya kung anong trabaho sa kan'ya ang inaalok nito. Saka ano ba? Ayaw ko ngang magtrabaho para sa kan'ya.

"Maayos na trabaho 'to," paninigurado n'ya saka ako kinunutan ng noo. "Tulad din ng trabaho namin nila ate Mau."

"E hindi ko nga alam ang trabaho n'yo e," reklamo ko.

"Kaya nga sasabihin ko," inis na saad n'ya kaya napatikom naman ako ng bibig.

Lumanghap pa s'ya sa sigarilyo n'ya saka ibinuga ang usok bago ako balingan ng tingin. Mamamatay na lang 'to sa sakit sa baga e.

"Tulad ng nakita mo kanina... kung sana hindi ka nasundan ng lalaking 'yon ay sana napigilan namin ang kamatayan n'ya," paliwanag ni Tristan.

"So kasalanan ko kung ba't s'ya namatay?" sarkastikong saad ko.

"Kung hindi ka sana nagpahalata, hindi s'ya matutuloy sa kamatayan n'ya," diretsong saad nito at 'di man lang iniisip ang sinasabi.

"Hello? Mala-demonyo na ata ang nakita ko tapos 'di ako magpapahalata? Ano 'yun kalahi ko para 'di ako magulat?" dire-diretsong saad ko saka s'ya naman ang inirapan.

Nakaka-ilan na ang lalaking 'to ha. Diretso magsalita e ang sakit sakit naman.

"Ang tagal mo nang nakakakita ng mamamatay tapos ngayon ka pa natakot?" may pangungutyang saad n'ya.

I scoffed. "Palit kaya tayo, ha? Pagod ako, galing ako sa trabaho tapos gano'n dadatnan ko? Ginusto ko bang mamatay ang lalaki na 'yon? Ni hindi ko nga dapat pinapakailamanan ang mga kamatayan nila e!"

GiftOù les histoires vivent. Découvrez maintenant