30: Girl of Words

26 4 0
                                    

Gift
by Misstakes

TW: Death, Blood

RHEIGN'S POV

"Kate!" sigaw ni Mark saka sinalo si Kate.

Pagkatapos na pumasok ng likidong lason sa bibig ni Kate ay bigla na lang itong bumagsak. Parang sa isang iglap na iyon ay nakuha kaagad ang enerhiyang taglay n'ya.

Mariin kong ipinikit ang mata ko nang mawala ang bigat no'n saka muling iminulat. Dahan dahan akong lumapit kina Mark.

"Kate, ano ba?" tapik ni Mark sa mukha ni Kate na nasa mga bisig n'ya.

Pinipigilan ni Mark ang mapaluha sa nakikita. Parang may wumawarak ng puso ko sa sobrang higpit no'n sa pakiramdam. Hindi ko maisip ang mga maaaring mangyari.

"Madam," dalo naman ni Aella kay madam ba ngayo'y nagkaroon na ng malay.

Inalalayang tumayo ni Aella si madam saka dahan dahan itong pina-upo. Nanghihina pa rin ang katawan ni madam kahit na ba nawala na ang lason rito.

"Anong nangyayari kay Kate?" nanghihinang tanong ni madam nang maisandal s'ya ni Aella sa pader.

Nangingiyak naman na tumingin sa kan'ya si Mark. "pinapasok n'ya ang lason sa katawan n'ya, madam..."

Labis na takot ang naipakitang takot ni madam nang malaman ang nangyayari. Kahit ako, kahit sa sarili ko mismo ay inaamin kong natatakot ako sa nangyayari. Hindi ako makaisip ng kahit na anong gagawin dahil nanghihina na rin ang katawan ko.

"Kate, hija..." haplos ni madam sa pisngi ni Kate.

Sobrang pagkadurog ng puso ko ang naramdaman ko nang makitang ngumiti pa si Kate kay madam kahit na sobrang sakit na ang pinagdadaanan nito. Pinigil ko ang luha ko sa pagpatak nang makitang hinaplos rin ni Kate si madam sa pisngi.

Nakita ko ang dahan dahan na paghikbi ni madam kasabay ng tuluyang pag-iyak ni Mark.

"Hawak mahigpit, hija..." pigil na saad ni madam.

Ngumiti na lamang si Kate kay Madam saka s'ya inilingan. Nakita ko ang butil ng luha ni Kate na umagos mula sa mata. Hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman kaya iniiwas ko ang tingin ko sa kanila.

"Salamat, madam," rinig kong saad ni Kate.

Tiningala ko ang sarili ko nang hindi tumulo ang luha sa akin. Ayaw kong magpakahina. Gusto kong matulungan si Kate.

Agad akong napabalik ng tingin nang marinig ang malakas na pag-ubo ni Kate. Kasama roon ang dugo na nagsilabasan sa bibig n'ya.

Napa-iyak na lang ang mga narito. Hindi ko alam bakit hindi nila sinusubukang iligtas si Kate. Nanonood na lamang sila at inaalay ang oras na hawak namin.

Hinimas ni Mark ang likod ni Kate sa sobrang pagsusuka nito ng dugo. Unti unting nanghihina ang katawan ni Kate kaya lumapit na ako sa kanila.

"Tabi," seryosong saad ko kina Aella.

"Anong gagawin mo?" tanong ni Mark.

"Ano pa ba? E 'di ililigtas s'ya. Papagalingin kung kailangan," naiiritang saad ko. Naiirita ako dahil wala silang ginagawa na kahit ano.

"Atras na, Rheign," pigil naman ni Kane sa akin.

Halos bulyawan ko na sila sa inis ko. Bakit?! Bakit ganoon na lang sila umasal? May maaaring mawalan ng buhay sa grupo, bakit gano'n?!

"Anong atras?! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Nakikita n'yo ba ang ginagawa n'yo?!" sigaw ko na. "p'wedeng mawalan s'ya ng buhay... ano ba... gano'n na lang 'yon? Hahayaan n'yo na lang?"

GiftWhere stories live. Discover now