34: Party

29 3 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

Kasama ng buong grupo, sabay sabay na umalis kami sa mansyon at nagtungo sa isang malaking venue na paggaganapan ng debut na iyon.

Kinakabahan ako sa hindi mawaring dahilan... o baka naiisip ko ang sorpresang sinasabi ni Zuke. Tuwing aalalahanin ko 'yon ay para akong t*nga na hindi malaman ang gagawin. Pilit kong pinipigil ang dila ko sa paglabas ng ilang mga salita para maiwasan rin ang dahilan ng pagkawala ng dalawang taong 'yon sa mundo.

Kinailangan pang gamitan ako ng kung anong spell ni Tristan para hindi ako kabahan. Is this the same as what Zuke did last time?

Ayan na naman ako! Iniisip ko na naman ang nangyayaring iyon! D'yos ko. Sana wala namang mangyaring masama. Hinihiling kong makauwi kaming lahat nang maayos.

Nang makarating sa venue, labas pa lang ay alam ko nang sobrang magarbo ang selebrasyon na iyon. Labas pa lamang ay kitang kita na ang mga nag-iibang kulay na ilaw na ani mo'y isa iyon talagang party at hindi debut.

Sa labas naman ay may mga g'wardya. Hindi man lang sila nagalaw sa p'westo nila at tuwing may padating ay doon lamang kikilos.

Nang makita naman nila si Tristan na naglalakad kasabay ko habang hawak ang aking baywang ay agad naman na silang gumilid sa dadaanan. Yumuko lamang bahagya si Tristan sa mga iyon bago pumasok ng venue kasunod ang buong grupo. Well, hindi buong grupo dahil may mga naka-back up kung sakali mang may mangyaring hindi maganda.

Huminto kami panandalian sa pagpasok at saka hinanap ang table na nakalaan sa amin. Nang makita naman ay itinuro iyon ni Tristan sa mga kagrupo namin at saka pinaunang pumunta roon habang kami ay sa ibang direksyon ang pinuntahan.

Nakita ko ang lalaking may katandaan na ang edad na sinasalubong kami. His arms are open widely like he would hug us we we reached each other.

"Good evening, Senator Suarez," bati naman sa kan'ya ni Tristan.

Napahigpit ang hawak sa akin ni Tristan nang imbes na tingnan s'ya ng senador ay ako ang tiningnan nito. Bahagyang nanayo ang balahibo ko sa hita nang hindi ko malamang dahilan.

Pagkatapos naman ako tingnan ng senador na iyon ay binalingan n'ya si Tristan saka bahagyang inangat ang baso ng sparkling wine n'ya.

"Good evening sa 'yo, hijo. Would you mind introducing your companion to me?" ani 'to.

Napatingin naman sa akin si Tristan saka ako nginitian. Iyong ngiting nagsasabing s'ya lamang ang makakasama ko ngayong gabi at wala na. He's a little irritated to and it reflects on his eyes.

Tristan kissed my temple softly as he look back at the senator. "she's Rheign Deriago, sir. My wife."

"Oh," the senator chuckled out of amusement.

"Good evening, sir."

I felt my body warming up. My cheeks are turning into red when I felt thrill on my body. I don't used to him calling me like that. And he introduced me as wife, oh my gosh. Too much butterflies flying.

"Good evening, beautiful lady," bati naman ng senador sa akin.

Hindi ko naman na nilingon si Tristan kahit na ramdam ko ang gulat sa akin. Ba't naman n'ya sinabi 'yon? Baka akalain na kasal na talaga kami. E baka mamaya mahuli pa kaming nagsisinungaling.

"But where's your ring?" tanong ni Senator Suarez. Ayan na nga ba ang sinasabi ko e.

"My wife left hers on her father's house that's why I left mine also so she wouldn't feel guilty about it," ngiti naman bahagya ni Tristan sa kanila.

GiftWhere stories live. Discover now