11: Problem

37 3 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

I just freaking don't know what happened. The dinner came by with Tristan mad at me. Hindi naman s'ya ganoon kung magalit, kahit naman ata ilang araw o linggo pa lang kami na nagkakasama ay kilala ko na s'ya, 'no?

Ilang oras na rin s'yang nakakunot ang noo at palaging tagos sa akin ang tingin. Hindi n'ya rin tinanggap ang kape na inuwi ko. Ewan ko ba.

"One blue flare please," katok sa counter ng isang lalaki.

Agad ko naman iyong inihanda at pagkatapos at ibinigay kaagad sa kan'ya. Napagmasdan ko pa ang maamo nitong mukha. 'Di tulad ng iba na mukhang alam ang ginagawa, ito ay parang hindi. Mukha pang naligaw sa bar.

"Hi?" patanong n'yang tanong sa akin.

Luminga naman ako, naninigurado na ako nga ang kinakausap ng lalaking ito. Nang ako nga ang kinakausap n'ya ay agad naman akong tumingin sa kan'ya.

"Hello."

Inubos n'ya ang isang baso ng in-order n'yang blue flare. Hindi gaanong matapang 'yon pero kung cheap drunk ka... well, p'wede na. Maybe 7 out of 10 ang lakas no'n.

"Can I have one more?" inabot n'ya sa akin ang baso.

Habang hinahanda ko naman ang inumin n'ya ay doon s'ya mas dumaldal. Hindi naman mukhang lasing, baka natural lang sa kan'ya ang ganoon.

"It's my first time here. If I only knew that they have a living angel, I would come here everyday," biro pa nito saka tumawa bahagya.

Napatingin naman si Kate saka nag-make face. Hindi n'ya ka-vibes ang lalaking 'yon, 'yun lang ang masasabi ko.

"Corny," rinig ko pang bulong ni Kate.

Iniabot ko naman ang inumin ng lalaki sa kan'ya habang pinipigil ang mapangiti dahil sa sagot ni Kate. Kaloka ang batang 'to.

"What's your name, by the way?" the guy asked.

"Rheign," I casually said.

"What a good name," he nodded while looking at the counter.

"Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Kane," saad n'ya din.

"Mukhang ang bata mo pa," tukoy ko sa kan'ya.

May dumating naman na isang customer sa counter. "One black lie."

Agad ko naman na inihanda ang inumin ng customer na iyon habang nakikipag-usap kay Kane... feeling close, well, hayaan na natin. Ano naman itatawag ko, 'di ba?

"Hmm... I'm already 18," he nodded.

"Okay," saad ko.

Ibinigay ko naman doon sa customer na 'yon ang kan'yang inumin. Agad naman itong umalis ng counter at pumunta sa ibang table.

"You're 18 and you're already here. You are supposed to study. Senior high, I guess," saad ko saka ipinatong ang dalawang siko sa counter.

"What's wrong with that? It's saturday tomorrow and I don't care 'cause my parents don't even care," dire-diretsong saad nito saka sumandal sa sandalan ng stool n'ya.

Napatango na lang ako, senyales na wala akong paki sa maririnig ko. Ewan ko ba, hindi ko naman kasi s'ya kilala, wala din naman akong kinalaman kung magwawalwal s'ya dito sa bar, kumbaga s'ya na bahala sa sarili n'ya.

GiftWhere stories live. Discover now