20: Store

31 3 0
                                    

Gift
by Misstakes

TW: Body Horror, Blood

RHEIGN'S POV

Hindi ko na lang hihilingin mabuhay kung ang kasama ko naman mag-grocery ay ang 'kapatid' ko. Una sa lahat ay hindi pa ako sanay na kasama s'ya, pangalawa, mabilis ang mga pangyayari kaya hindi ko matanggap. At huli, hindi ko pakiramdam na ligtas ako sa kamay ng lalaking 'to.

Can someone just kidnapp me here and bring me to somewhere? 'Yung wala sana sa paningin ko itong Warren na 'to.

"Ito pa idagdag mo," saad pa n'ya habang naglalagay ng mga kung ano sa cart.

Para lang naman akong poste na naglalakad habang tinutulak ang cart. Inaatake ako ng pagkabagot sa mga nangyayari.

"Are you listening?" agaw ni Warren ng atensyon ko.

Napatingin naman ako sa kan'ya saka huminto dahil nakahinto din naman ito habang may hawak na inuming tsokolate.

"Mm-mm," tango ko sa kan'ya.

"You're mind is stupidly flying. Ginagayuma ka ba no'ng Tristan na 'yon?" saad pa ni Warren saka ako sinamaan ng tingin.

"S'ya agad? Nakat*nga lang, s'ya agad?" sabi ko naman saka s'ya inirapan.

"Wala naman akong ibang maisip na tao na gagawin sa 'yo 'yun—"

"O wala ka lang masisi? Alin do'n?" putol ko sa sinasabi n'ya.

Totoo naman e. Pakiramdam ko nga'y mainit lang talaga ang dugo nilang dalawa sa isa't isa kaya ganoon ang turingan nila. Para namang mga t*nga na hindi makapagsama nang hindi nagbabangayan.

"Tss. Just go back to your senses," irap pa ni Warren saka nilagay ang inuming tsokolate na iyon sa cart.

Sumunod naman ako sa kan'ya dahil s'ya ata ang may balak mag-grocery. Akala ko idea 'to ni papa, mukhang hindi naman.

Kumuha naman ng ilan pang pagkain si Warren. Sa dami ata no'n ay halos mapuno ang cart, o baka magulo lang s'ya at basta basta naglalagay sa cart. For sure, 'yung pangalawa.

Hanggang sa napagod na lang ata itong mamili ng mga bibilhin ay saka lang tumigil. Napatingin naman ako sa relos ko nang tumigil pa si Warren, namimili pa ata ng alak. 10:37 na ng tanghali. Ano ba 'yun?!

"Excuse me, miss," anang isa.

Napalingon naman ako kaagad sa likod ko saka nakita ang isang lalaki na may katandaan na. Malamang ay may pamilya na.

Awtomatiko namang napa-abante ako nang lumayo sa kan'ya. Nanayo naman ang balahibo ko nang maramdaman ang malamig na hangin na dumampi sa batok ko. Sobrang lamig no'n na ani mo'y may dumaan na isang patay.

Hindi ko na lang naman sana papansinin dahil tinawag na rin naman ako ni Warren kaya lang... May isang cart pa ang nasalubong ko at sakto naman iyon dahil aalis na ang lalaki.

Namalayan kong dumampi ang siko n'ya sa braso ko dahil sa ginawa n'yang pag-iwas sa cart na nadaraan.

"'Wag mong iwan ang anak mo!" sigaw ng isang ginang.

Hindi naman nakinig ang lalaki, patuloy sa paglalakad paalis ng isang bahay. Para bang sobrang bigat ng nararamdaman nito na nakaya n'ya pang iwan ang mag-ina.

"Sorry, miss," saad ng lalaki saka ako tiningnan.

Napalingon naman ako sa kan'ya, ngunit hindi sa mata kun'di sa pulso. Para bang may kung anong lamig ang dumaloy mula sa aking paa hanggang sa ulo.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon