28: Birthday

28 3 0
                                    

Gift
by Misstakes

RHEIGN'S POV

Mag-aalas dose na ng madaling araw. Namilog ang mata ko kasabay ng biglaang paggising ng diwa ko nang makita ko ang lalaking nasa harap ko.

Mula dito sa loob ng k'warto ay amoy ko pa din ang amoy n'ya. Nakapantulog ito habang magulo ang buhok. Papikit pikit pa ang mata na aakalain mong kakagising lang din n'ya.

"Gabi na. Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong ko saka inayos ang bagsak n'yang buhok dahil hindi ko maaninag masyado ang mukha n'ya.

Tristan walked towards me, sleepy head. His both hands are infront of him while walking. He immediately held my waist and slide it until it he completely hugged me.

"Happy birthday..." bulong n'ya gamit ang kan'yang inaantok na boses.

"Thank you," I tapped his back and hugged him back.

Pinakawalan ko naman s'ya ngunit nakayakap pa rin ito sa akin. Nakatulog na ata sa balikat ko ang isang 'to.

"Are you asleep?"

"Nah," sagot ni Tristan. "I have something for you."

Tinanggal at inangat naman nito ang ulo n'ya mula sa balikat ko. Tiningnan n'ya ako gamit ang inaantok n'yang mata kaya medyo natawa ako sa kan'ya. I pinched his nose out of addoration.

"Gabi na, bukas na 'yan," bulong ko sa kan'ya.

"Nah, I want this now," mariing saad n'ya saka kinusot ang mata.

Napatango naman ako sa kan'ya. "okay."

"Let's go," hinila n'ya ang kamay ko papalabas ng k'warto.

Dahan dahan ko namang isinara ang pinto nang makitang mahimbing na mahimbing ang tulog nito. Hinayaan kong hatakin lang ako ni Tristan.

Umkayat naman kami sa pangalawang palapag ng mansyon kung nasaan ang mga k'warto ng bagong dating na Dark. Dahan dahan lang naman kaming nagpunta sa terasa ni Tristan.

Doon ay huminto pa s'ya sandali saka ko nginitian. Iyong totoong ngiti n'ya. Iyong ngiti na mas lalong nagpapagwapo sa mukha n'ya.

Gusto ko ang ngiti na 'yon...

"Sorry, I'm too busy to organize this myself," bulong n'ya saka lumapit bahagya upang bigyan ako ng isang malambing na halik sa noo.

Napangiti na lang ako sa ginawa n'ya. Hindi ko namalayan na napayakap ako sa kan'ya nang wala sa oras. Sa sobrang saya ng puso ko ay nakokontrol na pati ang mga braso ko.

"But you'll like it, baby," he whispered infront of my ears.

That endearment almost melt me away. Palagi akong kinikilig at nasisiyahan kapag lumalabas sa bibig n'ya ang salitang iyon. Nakakapanghina pero nakakapagpasaya rin ng puso ko.

Hinatak n'ya ako papalabas ng terrace na iyon. Isinara naman n'ya ang pinto bago s'ya lumabas kasama ko.

Napahinto ako saka tinitigan ang isang maliit na cake na nasa mesa. May lighter roon sa tabi. Iyon lamang ang naroon pero bakit labis na tuwa kaagad ang naramdaman ko?

"Come here," he held my hand and pulled me closer the cake.

Napakatahimik ng buong paligid at tanging yabag at paghinga namin ang naririnig ko. Muntikan ko nang marinig ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Tiningnan naman ni Tristan ang oras sa phone n'ya. 11:55 na ng gabi, october 30 ng taong 2020. Limang minuto na lang ay huling araw na ng buwang oktubre at ang kaarawan ko.

GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon