Chapter 14

481 15 3
                                    

Chapter 14

_Lisa's POV_

I'm happy na tanggap ng Dad ko kung anoman ako, and I'm blessed to have him as my father. Never kong naramdaman na nawalan ako ng ina,coz he gave me everything as father and even like a mother to me.

Ang saya ko rin na inamin ni Jennie kay Jisoo at Rosé na mahal niya rin ako, and that moved me, dahil akala ko sa L.A lang may kami, hanggang dito pa pala sa home town namin magpapatuloy ang kwento naming dalawa.

I know, there's something bothering her, kaya as much as possible I don't want to put pressure on her, baka magsawa saakin agad eh baka iwan pa ako. Kaya I'll try my very best na intindihin ko si Jennie.

Malapit ko ng matapos ang pagpiprepare ng room namin, actually, madami namang available na guest rooms, pero dalawa lang pinalinis ko, isa para kay Rosé at Jisoo, na nauna nang nagpahinga dahil naunang matapos ang room nila, at ang isang room naman ay para saaming dalawa ni Jennie.

Madaming body guards ang Dad ko pero iisa lang ang kasama niya sa bahay at ayaw ko tawaging maid itong si Nani, dahil para ko na syang nanay.

"Sinasabe ko na nga eh, kaya malas ka sa mga lalaki kasi sa babae ka talaga swerte." Bigla nalang nagsalita si Nani, minsan lang siya magsalita pero hayp talaga haha.

"Nani naman. Masyado kang judgemental. Pahug nga, namiss ko itong bilbil mo eh." Yumakap ako sa likod niya tapos pinipinch ko ang excess fats niya sa tiyan.

"Naku, bata ka! Haha. Tigilan mo ako. Hali ka nga, kausapin mo ako ng maayos." Hinila niya ako at pinaupo sa kama.

"Bakit Nani?" Pagtatanong ko

"Eh yan bang babae na yan, yung anak ni George Kim? Na kalaban ng Daddy mo?" With matching paturo-turo pa sa pinto ang cute na matanda.

"Jennie ho. Jennie po ang pangalan niya, at opo siya po ang anak ni George Kim." Ay bigla naman akong naging magalang, not so me.haha

"Ay. Mahirap yang pinasok mo, anak. Sigurado ka bang mahal ka niya? Kasi di na kita tatanungin kung mahal mo siya, eh bukod sa siya palang ang katangi-tanging dinala mo dito at ipinakilala sa Dad mo, eh kilala kita, masasabe kong baliw ka sakanya dahil galing siya sa pamilyang kinamumuhian ng Daddy mo." Sinabe niya ito nang may pag-aalala sa knyang mukha.

Hayss. Bakit ba parang buong mundo na ang nagsasabeng di kami pwede at hindi talaga kami magiging masaya.

Atsaka ano bang wala kay Jennie, bakit hindi nila nakikita yung mga nakikita kong katangian kung bakit ko siya minahal.

"Oh. Di ka makasagot ngayon. Naku, naku. Binabago talaga ng pag-ibig ang tao. Sige maiwan na kita at nang makapag-pahinga na kayo." Sabay labas ng pinto ni Nani.

Hayss, nadidissappoint ako everytime nabobrought up ang about sa family issues namin. Nakakainis.

Papunta na ako kay Jennie, para sabihing okay na ang room, kaso nung dumating ako sa sala, nadatnan ko silang nag-uusap ni Dad.

Tahimik akong lumapit sa kanila, balak ko kasing pakinggan ang pinag-uusapan nila, ang cute kasi ni Jennie ko, mukhang nahihiya pa.

"And you're smart." Narinig kong sinabe ito ni Dad matapos inilapag ang libro na hawak niya.

"It took one brave person, to tell the world how much they are willing to risk everything just for their loved ones. And Lisa, did that for you, are you also brave enough to risk everything for my daughter?" Dagdag ni Dad.

Di agad makasagot si Jennie, halatang nag-iisip pa ito at dahil nga gaya ng sinabe ko, ayaw ko siyang napipressure kaya I saved her face from my Dad.

Back Off! She's Mine. [COMPLETED]Where stories live. Discover now