Problem #10 [Biggest Problem]

2K 46 1
                                    

Biggest and most shocking problem ever. Tbh, dito ako pinakanahirapan. Langya. Lumuwa na nga mata ko kakaisip kung anong maipapayo ko dahil to be honest, hindi pa ako nakakapag-encounter ng ganto. Pero since ako ang Madam Bertud nyo, I really tried my best para mabigyan ka ng advice :D and, sobrang thank you dahil ipinagkatiwala mo sa segment na to ang problema mo, although I think this is private for you. Anyway, I will not reveal your identity. Its up to you. :)

Problem: Hi ate. Kailangan ko po sana ng advice nyo. Eto po situation ko. Meron kasi akong ex, na akala nya kaya ako nakipaghiwalay noon sa kanya dahil may iba ako. He dont know my real reason why i broke up with him. Edi yun na nga. Nag hiwalay na kami. Pero last year, nagkaroon kami ng second chance, pero both kami may bf/gf na LDR. Dumating kami sa point of choosing. Ako, pinili ko sya pero sya walang pinili. Edi naghiwalay din kami. And then a week after gusto nya ulit makipagbalikan pero ako na ang umayaw. Until last December. Nagkaroon ulit kami ng communication. Nakainuman ko sya and kinuha number ko. Nung time na yun may girlfriend na sya, kahit ako meron din kaso LDR. We've become bestfriend. Lahat ng problema nya sa gf nya kahit sa family nya sinabi nya sa akin. Miski ako ganun din sa kanya. Pero one day, he confessed. Na fall na daw sya sa akin. Pero bago pa nangyari yung pag confess nya ng feelings nya ee nagkaroon kami ng agreement. Sabi ko "BAWAL MA-FALL. ANG MA-FALL TALO." So nung nag confess sya sabi ko lang, "talo ka na. Hahaha." Edi nag tuloy tuloy pa rin communication namin. Sabi ko sa kanya, lalayo na ako sayo kasi may feelings ka na sa akin. Ang sabi nya lang, wag! Ayokong lumayo ka. Pwede bang ipangako mo na kahit anong mangyari ee hindi mo ako iiwan? So ako naman tong si tanga nangako rin. Nangako ako na lagi lang akong nasa tabi at hindi ko sya iiwan. Yung bf ko biglang nawala na sa isip ko. Until maghiwalay na kami. And now nagkaroon na rin ako ng feelings dun sa ex ko, and yet may gf sya. Lagi nyang sinasabi na mahal na mahal nya ako. Wag na wag daw akong bibitaw kahit na anong mangyari. Ilang beses ko ng sinubukan ihinto yung communication namin. Pero lagi syang nakakagawa ng paraan para maibalik yung communication namin. And now gustong gusto ko ng lumayo sa kanya kase sobrang nahihirapan na ako at nasasaktan. What to do? :(( sorry kung nobela na XD

Mga katanungan: Tinanong mo na ba sakanya kung bakit hindi pa din sya nakikipaghiwalay sa GF nya? Dba kase sabi nya mahal ka pa nya? Pero bakit sila pa din ng gf nya? Nasabi mo na din ba sakanya na you feel the same way too, AGAIN?

Sagot mo: Mahal nya din daw kase gf nya. And yet naguguluhan din daw sya sa feelings nya. Nasabi ko na sa kanya yung about sa feelings ko. And he want to continue our communication. lang beses ko ng sinubukang putulin communication namin para lang hindi na gumulo pa yung situation namin. And nag threat sya. Na magpapakamatay sya, and i believe him kase nung naghiwalay kami noon eh sinubukan nyang magpakamatay. Buti na lang at naagapan sya. Kaya natatakot din ako baka gawin nya na naman yun.

Advice: Isa lang masasabi ko, "Edi Wow!" Chos! Alam kong sobra kang nahihirapan sa sitwasyon mo. Ako nga, habang binabasa ko ng paulit ulit ang problem mo, nahihirapan din ako eh. Hayst. So, mahal mo na nga ulit diba? At sabi nya mahal na mahal ka din daw nya. Pero sa kasamaang palad, malandi sya. Kase dalawa kayong mahal nya diba? I-google mo kung anong klaseng hayop sya. Dahil ang octopus may 3 puso eh. Kelangan mo syang kausapin at papiliin sya. Kung pinili ka nya, magbalikan kayo. Kung hindi ikaw ang pinili nya, layuan mo na sya. Gawin mo ang lahat para maputol lang ang communucation nyo. At kung wala naman syang pinili, hayaan mo lang. Alam mo kung sinong dapat mong kausapin? Yung gf nya. Sabihin mo sakanya lahat. Pero dahil OA na ang mga kabataan ngayon, alam kong aawayin ka nya at sasabihang sulutera. Kaya magset ka ng meeting nyo. Yun bang kayong 3 ang magkakaharap harap. At pag dumating yung point na yun, dun mo sya papiliin. At yung sinabe mong magpapakamatay sya? Hindi mo naman mapipigilan ang isang tao eh. Hindi mo din naman kontrolado. Para sakin, mas mabuting layuan mo na sya. Putulin ang lahat ng ugnayan. Iwasan . Pero bago mo gawin yun, ibilin mo sya sa magulang nya, ate nya, kuya nya, pinsan nya. Sabihin mo na bantayan syang mabuti dahil may tendency nga na baka magpakamatay sya. Pero kapag nagtangka na sya, atleast you did your part of reminding his families. Hindi mo na kasalanan kung mapapahamak man sya. Dahil una sa lahat, HINDI KAYO AT HINDI KA NYA PINILI. Pangalawa, binilin mo na sya sa families nya. Its hard to let go, but its harder to hold on.

(Sana nakatulong ako sayo! Mahal kita! Sana na-appreciate mo!!)

Mga Hugot Lines :D [Love Segment]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon