Standards

266 6 0
                                    

We set standards in finding the one, right?

There are 2 different types of Standards:
1. Physical Standard
2. Attitude Standard

Karamihan saatin, inuuna ang physical standard. Kesyo sexy, maganda ang legs, flawless, tama ang laki ng boobs, tama ang laki ng pwet, maganda, killer smile, matangkad o kaya nama'y pang model. Bonus na lang daw kapagka mabait at masipag.

Very WRONG!!

Unang-una ang attiude standard mga bes. Yung tipong mabait pero strikto, masunurin, kaya kang mahalin, hindi plastik sa'yo, hindi nagbabagsak ng ibang tao, kayang makisama at higit sa lahat mapagmahal. Yung tipong mamahalin ka ng tunay kahit na may pinagdadaanan ka. Yung tipong andyan siya kapag may nang aapi o nang aaway sa'yo. Yung sasamahan ka kahit saan.

Yung babaeng hindi ka napapatawa pero napapasaya ka. Yung babaeng maituturing mong kakaibabe dahil hindi siya maarte at masilan. Yung babaeng sisigawan ka hindi dahil galit, kundi masaya siya dahil nagjojoke ka. Yung papatawarin ka kaagad. Yung naiintindihan yung simpleng ngiti mo at tatawa na rin. Yung nakakasabay sa kabaliwan mo.

Yung babaeng kayang itago ang mga sikreto. Yung babaeng alam ang pinakatatago mong sikreto and yet she still managed to accept and get a long with you.

Yan ang ideal girl ng nakakarami. Pero sa totoo lang, Physical standards ang inuuna kesa sa Attitude standards.

Kapagka nakahanap ka ng ganyang babae, swerte mo! Ligawan mo na at wag mong pakawalan. Bonus na lang yung may magagandang katawan. Palibhasa kasi, karamihan sa mga tao esp. lalaki, pang-rampa ang hinahanap hindi pambahay.
---

Hi! This is your Ate Bam! Keep on sending your problems! :) PM me now.

Mga Hugot Lines :D [Love Segment]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon