Problem #26

876 13 2
                                    

Problem: Hello po. Gusto ko lang po humingi ng advice about sa crush ko po. Naguguluhan po kasi ako kung sino ang paniniwalaan ko. Kung ang mga kaibigan ko po o ang crush ko. Sabi po kasi ng kaklase ko pinaglalaruan lang daw po ng crush ko yung feelings ko pero ang sabi po ng crush ko di naman daw po yun totoo kasi di naman daw po niya talaga ako pinaglalaruan kasi may gusto rin siya saken. Di ko po talaga Alam kung anong gagawin ko. Tapos po ngayon naman pong araw na to. May sinabi na naman po yung mga kaibigan ko.

Katanungan: Anong sabe ng kaibigan mo?

Sagot mo: Na hindi naman nga daw po ako pinaglalaruan pero hindi naman daw po talaga ako crush ng crush ko. Sinabi ko po yun sa crush ko kasi gusto ko po malinawan. Ayoko naman po kasi umasa pag nagkasama kami kasi po pag nagkakasama kami answeet namin at di ko po alam kung ano po talaga kami. Ansabi po ng crush ko totoo daw po yung sinasabi ng mga kaibigan ko. Tapos po may dinugtong po siya. 'Sige. Bye. Salamat sa friendship. Kakalimutan muna kita.' Di ko po talaga alam ang gagawin ko. Kasi pag nagkikita kami andun na po yung lagi na siyang tatabi sakin. Magiging sweet po. Hahawakhawakan po yung kamay ko. Ipapatong yung ulo niya sa balikat ko. Aakbayan po ako ng pasimple. Pero ansabi niya po kaibigan niya daw po ako. Ganun daw po siya magmahal sa mga kaibigan niya. Tapos po nung last day. Niyakap niya po ako. Kahit may crush siyang iba. Opo. May crush po siyang iba at may crush din siya saken. Anlandi niya. Heartthrob po kasi siya, at gwapo. Ate Bam, ano po bang gagawin ko at anong advice niyo saken. Kasi litong lito na po ako. Di ko po alam kung sino yung nagsasabi ng katotohanan. Naguguluhan na po ako.

Advice: Pareho naman silang nagsasabi ng totoo eh. Umamin na yung crush mo diba? Hanggang friends lang talaga kau. Pina-fall ka lang niya. Pa-fall siya. Kagwapuhan eh! Tsk. Nakakapunyeta yung ganyan eh. Magpasalamat ka na lang sa mga friends mo dahil ni-warningan ka nila. Yun nga lang kase, hindi ka agad naniwala kase nga may tiwala ka din sa crush mo. Isang malaking suntok ang nararapat diyan sa crush moooo!!! Pa-fall bh3! Tskkk. Ang mabuting gawin mo? Smile ka :D Pretend. Magpretend ka sa harap ng crush mo na parang wala lang siya para sau. Pa-hearthrob eh. Hindi man siya masasaktan, atleast ma-iinsulto mo siya! :*

(Sana talaga nakatuloooong! Mwuah!)

Mga Hugot Lines :D [Love Segment]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt