Problem #46

392 6 0
                                    

Problem: Hi ate Bam :) uhm. May ka MU po ako dati. Yung pagiging MU po namin ay parang boyfriend/girlfriend na po. May pa monthsary2x nga po kami. Nung una po, sobrang saya nami. May pa akbay-akbay pa po sya at holding hands tas every hang-out namin ng mga friends ko, sumasama sya tas always sabay po kaming umuuwi galing school tapos minsan iniikot po namin ang subdivision *Ps. Same subdivision po kami.* Halos araw-araw rin po kaming magka-chat at magka-text. Pero po, ako po kasi madali lang po akong magtampo at magalit kahit na sa maliliit na bagay-bagay lalo na't related to sa mahal ko. So yun po, halos everyday nga po kaming nagkakatampuhan dahil sakin. Kaya nung March 20 po, the day before our 3rd monthsary, nagkatampuhan kami. And i read again our conversation po. Tapos na realize ko na ako na naman po yung may kasalanan. Kasi nga po may tinanong ako sakanya, tas nag expect po ako na sasagutin nya. Ganto po yung tanong ko, "What if mamamatay ako bukas, ano gagawin mo?" So yun, ang sagot lang po nya is "Di ko alam." So ayun nga po, nagtampo ako agad. Then pagka 7pm na po yun, sabi po nya sakin sa chat po na "Sorry, pagod na kasi ako eh. Di ko lang alam pano sabihin sayo." And alam ko na po yung ibig sabihin nya. So inunahan ko na sya. Sabi ko "Sige, cool off na tayo." </3 kahit masakit po, ginawa ko. Ang problema ko po is, mahal ko pa po sya at di ko sya malimutan after 2 months na wala na po kami. Alam nyo po ba anong masakit? Yun po ay parang wala na po syang pakealam sakin at parang naka move-on na sya samantalang ako, eto mahal pa rin sya. Para ngang di na sya apektado e. Tas nalaman ko nalang nung nag chat po sila nung bestfriend ko last week, na di na daw po nya ako mahal. Ano po bang dapat kong gawin? What if ma classmate ko po sya this year? Ano po dapat kong ikilos pag nandyan sya? Dapat ko po ba syang iwasan at magpaka-snob sakanya na parang di sya nag eexist? :(


Advice: Superrrrr late! Okay! mala-nobela tong problem na to. Huhuhuhu. Sensya na talaga at late na po! :D So ayun nga, nakamove on ka na ba ? (last month pa kase to sinend itong problem na ito e) So yun, kung hndi pa, ito na. Masakit. OO naman. ganyan talaga pag nagmamahal. Pano maka move on? Well, para sakin, ang mabisang technique dyan, humanap ka ng bagong tao na mapagbabalingan mo ng atensyon mo. Hindi ako naniniwala na wag kang gumamit ng ibang tao kase kalandian lang yan, pssh. Kase, kapag nagmahal ka at nasaktan ka or iniwan, mahihirapan kang punan yung mga oras na dapat magkasama kayo, ung tuwing uwian magkasabay kayo pero ngayon hindi na. :3 Kelangan mo ng taong makakatulong sayo para makalimutan or punan ung mga memories niyong dalawa. Pangalawa, wag mo syang masyadong iiwasan. Kase, mas lalo mo lng syang mamimiss e. At isa pa, kahit anong gawin mong iwas kung puro na lng sya ang bukambibig mo, wala din. Tas yung tipong iiwas ka, tas pag wala na, hahanap-hanapin mo. pssssh. Pangatlo,i-enjoy mo ang oras na kasama mo mga barkada mo. Enjoy lng. :D Tas pag andyan sya? Wag kang iiwas. Mangyare na ang dapat mangyare. Pakita mo na hndi ka apektado. :D

Mga Hugot Lines :D [Love Segment]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora