Problem #13

1.4K 26 0
                                    

Problem: Sana po mabasa niyo to. Hi po Ate. Sana po hindi niyo po ipakilala identity ko. Eto po yung problema ko. May best friend po akong lalake, they said may gusto siya sakin. Ang alam ko naman po, wala 'na'. Dati po kasi nag confess siya sakin. Ayoko naman po siyang tanungin since ang awkward at may iba po akong gusto. Eto naman po yung main problem, close po yung taong gusto ko at best friend ko. Di ko po alam kung paniniwalaan ko yung best friend ko kasi po sabi nila sinisiraan lang daw nung best friend ko yung taong gusto ko. Yung taong gusto ko naman po, alam niyang may gusto ako sakanya, but di ko po alam sa kanya. Pero, lagi daw pong nahuhuli ng friends ko na nakatitig siya sakin. Nung valentines po may letter ako galing sakanya. Lagi niya rin po akong nginingitian. One time, kinantahan niya pa po ako. Di po kami close ah. One time po nagkasakit ako, he's so concern at di niya ako pinagtawanan nung nadapa ako, instead he just smiled kasi po, nangyari rin sakanya yun. Nakikipag chat po siya sakin minsan. I really like him but i dont know kung ano nafifeel niya sakin. But, yung best friend ko sinabihan akong manhid, di ko alam kung ano meaning niya dun. Ate, naguguluhan po ako. Main questions po, "anong gagawin ko sa best friend ko?" Saka po, "ano pong gagawin ko sa taong gusto ko?" And "maniniwala po ba ako sa best friend ko na may girlfriend na yung taong gusto ko knowing na dati nahuli ko yung best friend ko na sinisiraan lang yung gusto ko?" At "ano po ba sa tingin niyo yung feelings nung taong gusto ko? May chance po ba ako?"

Advice: Wala kang paniniwalaan ha? Ikaw mismo ang tumuklas at wag kang makinig sa sinasabe ng iba. Tsaka, baka siguro sinasabi ng bestfriend mo yun ay baka nagseselos o kaya naman ayaw nya lang na masaktan ka. Sa taong gusto mo? Gustuhin mo pa din sya. Okay lang magkagusto pero wag na wag mong mahalin. Dahil sa huli, ikaw lang masasaktan. Sabi nga nila, "No one gets tired of loving, but everyone gets tired of assuming."  Wag ka munang mag-assume ba kesyo mabait sya sayo at nginingitian ka nya. Kase, malay mo diba? Masyado lang syang mabait kaya sinusuklian nya yung pagkagusto mo sakanya. Ang maiging gawin mo, tanungen mo ng directly yung bestfriend mo kung may gusto ba talaga sya sayo. At ang gawin mo dun sa gusto mo, tanong mo kung pinapaasa ka lang nya. :)

(Sana nakatulong po ako :*)

Mga Hugot Lines :D [Love Segment]Where stories live. Discover now