Problem #51

333 8 0
                                    


Problem: Ate ngayon lang po ako mag memessage sainyo. Meron po akong crush. In love na po ata ako sa kanya. 2nd year na po ako at 4th year na po siya. Alam niya po na crush ko siya pati mga kaklase ko pati ung mga kaibigan niya at ung dalawang teacher ko. Sabi nung mga kaklase ko alam na din daw halos buong 4th year curriculum. Minsan po pinapansin niya po ako. Nag hahi po sakin at kinakausap niya po ako. Minsan nga po nahuhuli ko pa nga pong nakatingin sakin ih.

Ung mga kaibigan ko po may sinasabi sakin na meron po siyang nililigawan. Ung kaklase niya po. Top 1 po siya. Minsan po nakikita ko po siyang kasama ung nililigawan niya sweet po kahit alam niyang nandun ako. Minsan nga po tinitiis ko na lang na Hindi maiyak eh. Minsan po nag usap po kami ng mga friends ko tungkol sa love. Sinabi nilang pinapaasa lang daw po ako nung crush ko. Tapos hugot sila ng hugot un po naiyak po ako kasi di ko na po talaga matago ung sakit ehh. Last week po nag chat kami. Tinanong ko po siya kung ano po ung itatanong niya sakin nung araw na un. Tinatanong niya kung may phone daw ako. Tapos pinapapunta niya pa ako sa kwarto ko kc daw tatawag siya. Tapos nag chat uli kami nung. Tinanong ko siya kung bakit gusto niya tumawag sabi niya gusto lang Niya. O diba ang landi may nililigawan na nga. Tapos chinat ko ung friend ko sabi ko gusto niyang tumawag sabi niya sige na sagutin ko na daw kasi last year naman na nila. So un inisip ko un. Last year naman na kasi nila. So pumayag na ako. Ate gusto ko na mag move on. Nasasaktan na po kasi ako ehh. Tyaka nasasaktan po ako kc last year na po nila sa school. Hindi ko magawa kasi ung mga kaklase ko pag nandiyan siya ayiee ng ayieee tapos maiinlove nanaman ako ng sobra sobra. Isa sa mga Heartthrob po siya sa school. Ate advice nga po please.


Advice: Thats it! Hindi mo alam kung inlove ka ba talaga sakanya o dahil lang sa pang aasar ng kaklase mo. Kaya mo naman eh, iniisip mo lang talaga na hindi dahil nandyan pa siya. Alam mo naman palang malandi eh. Diba? Para saakin, enjoy. Pwedeng masaktan ka, pero makakayanin mo rin. Kung ako sayo, wag mo ng pagtuunan ng pansin. :) Halata namang pinapaasa ka lang eh!


Mga Hugot Lines :D [Love Segment]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant