Simula

1K 10 4
                                    

[A/N: pinagpalit ko sila ng Chasing Danger kaya eto na iyong Age Gap series #2. Tapusin ko muna yung kanina Axel at Addison bago sa anak nila na si Kelsey. Sana suportahan niyo rin and kwento ni Brooklyn.
Stay safe everyone~]


2 years ago

"And that's a wrap everyone!" Our photoshoot director shouted after our last shot.
"Good job everyone!" He added

Ngumiti ako sa kasamang model bago nilapitan si Carlos, our photographer.

"Hi, so...how was it?" Sambit ko na ikinangisi niya.

"You wouldn't be one of the sexiest woman in the Philippines if you couldn't do these simple but seductive shots here." Aniya at pinasilip ang mga kuha saamin.

I bit my lower lips while looking at each shots. And I can agree that its simple but seductive.

"Look at those eyes. You two are already banging each other in your eyes haha." Tukso niya na ikinainit ng mga pisngi ko.

"Grabe ka Carlos ahh" sambit ko sabay hampas sa braso niya.
Busy kaming naguusap nang may tumayo sa harapan namin.

"Speakin of...." sambit ni Carlos nang binalingan niya ng tingin ang nakatayo sa harapan namin.

Nakangiti akong humarap kay Marco na kasama ko sa picturial kanina.

"Hi, can I invite you for a dinner today?" Nakangiting tanong ni Marco. Palihim naman akong kinurot ni Carlos sa bewang na ikinapiski ko.

Magsasalita pa lang ako nang lumapit saakin ang assistant ko at inabot ang phone kong tumutunog.

"Excuse me." Sambit ko at bago tumalikod ay pumayag ako sa paanyaya ni Marco. It's just a friendly dinner and I don't see anything wrong with that. We're civil naman ni Marco so ok lang kumain kasama siya.
"Oh, let's have dinner next time Marco. I have plan for tonight."

Nagflying kiss na lang ako kay Carlos bilang pamamaalam na aalis na. Dumiretso ako sa dressing room ko bago sinagot ang tawag ni Stefan and boyfriend ko for a year and a half already.

"Hi babe" salubong ko pagkasagot ko sa tawag.

"Let's meet tonight. The Tipsy Bar." Iyon lang at binaba na niya agad ang tawag. Hindi man lang ako binati o hinayaan tumugon sa sinabi niya.

Kunot ang noong binaba ko ang phone ko sa vanity mirror. Something is off with him since he met my whole family last month.
Wala naman siguro silang ginawang kalokohan sakanya 'di ba?

Nagkibit balikat ako bago nagsimulang magbihis.




"Hi buddy" nakangiting bati ko sa bouncer sa labas ng The Tipsy Bar. The famous bar for socialite and famous individual.

"Hi ma'am Brooklyn" ganti niyang bati saakin. Pinagbuksan niya ako ng pinto na siyang ikinangiti ko at nagpasalamat sakanya bago pumasok.

I texted Stefan if where is he but he's not replying to any of my texts kaya napagpasyahan ko na lang hanapin siya sa usual niyang pwesto rito.

"Excuse me" sambit ko habang nakikiraan sa mga nagsasayawan sa dance floor.
Ewan ko ba sa sarili ko bakit dito pa ako dumaan kaysa sa daan malapit sa mga table.

Huminto ako at balak nang umalis sa gitna ng mga nagsasayaw, lumiko ako nang mabangga ako sa isang lalaking may kasayawan.

"I'm sorry" sambit ko kahit alam ko naman na hindi maririnig sa lakas ng tugtog.
Inangat ko ang ulo ko pero agad din binaba dahil sa mga ilaw na malilikot.

Hindi sinasadyang napunta sa braso ng lalaki ang mga mata ko at bahagyang nanlaki nang makita kung anong nakaguhit sa balat niya nang matutukan ng ilaw.

Like A ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon