Chapter 18

182 3 0
                                    

Enjoy reading!

•••

Brooklyn Ash

Napapikit ako nang mariin pagkasara ko ng pinto sa kwarto ko. Why did I act like that? Gooshh, Brooklyn!!
Narinig mo lang na kay Liv siya magtatrabaho ngayon, umakto ka nang ganoon. I'm not mad at Liv, actually we're just civil with each other after that childish fight we had before. We both apologized to each other naman na, sadyang our mood that time was really not in a good shape kaya konting kibot lang sumabog na ang init ng ulo namin sa isa't- isa.

Napalingon ako sa pintuan nang marinig ang paglabas ni Stephen.

I heaved a deep sigh before walking to the bathroom to take a bath. Lalabas na lang ako ngayon nang malibang naman ako ngayon at mawala ang nararamdaman kong hindi ko maintindihan pagkarinig ko na kay Liv siya ngayon.




















Bumaba na ako sa kotse pagkapark ko sa
parking lot ng Dreamchaser, my cousin Cass' cafe. Inayos ko muna ang pagkakasuot ng cap sa ulo ko bago naglakad palapit sa entrance.

Marami-rami rin ang tao sa loob kaya napagdesisyunan ko na lang na magtake out ng iced coffee at spicy tuna bread nila.
Nag nasa counter na ako para mag-order ay bahagya ko pang sinilip ang office niya sa bandang gilid.

"Is Cass here?" Tanong ko kay Choe na manager/bestfriend niya.
Umangat mula sa screen ng monitor ang tingin niya at bahagya pang nanlaki ang mga mata niya pagkakita saakin.

"Miss Brooklyn" napabusangot ako sa binanggit niya. Ilang ulit ko nang sinabi sakanya na ate na lang or Brooklyn, masyadong formal pag miss ang tawag saakin. Bestfriend naman siya ng pinsan ko kaya okay lang kung tawagin niya akong ate.
"I mean ate hehe." Nakatawa niyang sabi.

Nilagay ko sa bulsa ng jumper skirt ko ang mga kamay.

"Nasa loob siya ate, nakatutok sa mga sales report." Anito na kinatango ko.
Hindi ko na siya iistorbohin sa work niya, magkikita rin naman kami sa birthday niya na malapit-lapit na rin.
"Ah, ate Brooklyn"

Napunta sakanya ang tingin ko nang pukawin niya ang atensyon ko mula sa pagtingin sa mga cakes na nakadisplay sa gilid.

"Yes?" Takang sambit ko
Buti na lang at wala pa akong kasunod na oorder kaya okay lang matagalan dito sa counter.

Napataas ang kilay ko dahil humagikhik siya.

"Sorry ate, hindi ko mapigilan ang kilig pag naaalala yung post ni Drix noong nasa Palawan sila ni miss Cake." Napakunot ang nuo ko sa tinuran niya lalo na at bahagya siyang namimilipit sa kilig.

"Drix? Who's that?" Takang tanong ko
Napatutop siya sa bibig niya at nanlalaki ang mga matang nakatingin saakin.
Napano 'to? Sambit sa isip.

"Hindi pa po sinasabi ni miss Cake sainyo?"

"Ang alin?" Naghalukipkip ako sa harapan niya at napalingon sa pintuan ng office ni Cass. Hmmm, may nililihim na siya saamin ah. Napangisi ako nang may pumasok na ideya sa isipan ko at ang nakitang candid shots niya noong photoshoot niya sa Palawan.
Yung bang lalaking hindi familiar saakin ay si Drix?

"Hay, hehe si miss Cake na lang po ang magsasabi sainyo." Napapakamot sa sentidong sambit niya na kinatango-tango ko na lang. Can't wait for her birthday dahil kung tama man ang nasa isipan ko ay siguradong dadalhin niya iyon sa birthday niya hehehe.

"Thank you" nakangiting sambit ko pagkaabot saakin ng inorder ko.

"Balik ka lagi ate Brooklyn" anito na natatawang kinailing ko bago nagpaalam at lumabas ng Dreamchaser.

Like A ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon