Chapter 14

206 5 0
                                    

Enjoy reading~

Stephen John

Damn, parang nasa karera ang puso ko nang ngitian niya ako kaya nagmamadali akong umalis sa harap niya para na rin makuha ang med kit para magamot na ang sugat niya.

Pasimple ko siyang tinignan at hindi naiwasan mapangiti nang nakanguso niyang tinitigan ang mga tuhod niya na kinaiwas ko ng tingin dahil bumaba na sa legs niya ang tingin ko. Sabing huwag bumaba ang tingin mo roon eh, hindi ka pinalaking bastos ni mama. Mariin akong pumikit at malalim na humugot ng hininga.

Aabutin ko na sana ang med kit na nasa cabinet nang mabitin sa ere ang kamay ko nang mapaisip kung sinong gagamot sakanya. Ako ba dapat? Hindi, tatawagin ko na lang si tita Marina baka hindi maayos ang pagkakagamot kung ako baka hindi ko matitignan nang maayos ang tuhod niya. Bakit kasi ang ikli ng palda nila eh, yamot kong sambit sa isip.

Kinuha ko na ang med kit at naglakad palapit sakanya, nag-angat naman siya nang tingin at nginitian na naman ako, buti na lang nakaface mask ako at hindi niya makikita ang pagpula ng mukha ko.

Marahan kong nilapag sa gilid niya ang med kit at pupuntahan na sana si tita Marina sa bandang likod nang magsalita si Brooklyn.

"Where are you going?" Takang saad nito, nahihiya ko siyang nilingon at humawak sa footboard ng kamang kinaroroonan niya.

"Ahhmm, tatawagin ko lang si tita Marina para gamutin ka." Sambit ko
Tinitigan muna niya ako bago ngumiti at tumango saakin.

"Ok" anito bago niyuko ulit sa mga tuhod niya ang tingin niya, agad na akong umalis at nagmamadaling puntahan si tita Marina.

Nakatalikod si tita saakin, nilapitan ko siya na kinalingon niya saakin. Binaba ko muna ang face mask ko.

"Oh hijo, aalis ka na ba?" Aniya na kinailing ko.

"Ano kasi tita, may studyante po kasing may sugat sa tuhod-" mabilis akong pinutol ni tita at binalingan na ulit ang ginagawa niya.

"Ikaw na muna ang gumamot hijo, kailangan kong tapusin 'tong ginagawa ko dahil ipapasa ko na mamaya sa head office." Marahan na saad niya bago ako nilingon ulit,
"Maalam ka naman sa first aid 'di ba?"
Tipid akong tumango na kinangiti niya.
"Oh siya, sige na gamutin mo na siya. Ipaglog-in mo ang studyante ah. Nasa mesa ko ang log book." Dagdag niya bago tinuon sa ginagawa ang atensyon.

Napakamot ako sa sentido ko bago binalikan si Brooklyn. Bago siya nilapitan ay kinuha ko muna ang log book para makapagsulat siya ng pangalan niya.

"Ahhm, isulat mo dito ang pangalan mo." Saad ko sabay abot ng log book sakanya. Umangat ang ulo niya saakin at nagtaka ako nang bahagyang umawang ang bibig niya at titig na titig saakin.
"Bakit?" Takang sambit ko na kinaiwas niya ng tingin sabay marahan na inabot ang log book mula saakin.

"Nothing" mahinang sambit nito at nagsimulang magsulat.
"Si nurse Marina?" Tanong niya

"Ohh, ahhm busy siya sa likod. Ako na muna raw ang gumamot sa sugat mo. Okay lang ba? Or ikaw na lang?" Nag-aalinlangan kong tanong.
Napahinto siya sa pagsulat at inangat ang tingin saakin.

"Hhmm, ikaw na lang" mahinang sambit nito bago nagpatuloy sa pagsusulat, lihim akong humugot ng hininga bago binuksan ang med kit at nilabas ang mga gagamitin.

"Did you wash your wound with water?" Tanong ko pagkatapos magsuot ng latex gloves.

"No, dito ako dumiretso pagkatapos kong madapa kanina hehe." Mahina pa siyang tumawa na kinangiti ko bago napatikhim.

Like A ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon