Chapter 22

475 13 8
                                    

happy reading~

Brooklyn Ash

Today is the mid day of my busy week, nagpapasalamat na lang ako na madaling natatapos ang mga sched ko kada araw, hindi na umaabot ng gabi kaya may time pa akong magpahinga at makapagrelax.


Hawak ang tumbler ko sa kabilang kamay habang sa isa ay cellphone, busy akong nag-i-scroll sa ig habang naglalakad nang biglang may humila saakin at piniid ako sa pader malapit sa elevator.


Nanlalaki ang matang tinignan ko si Stephen na siyang humila saakin.
"Muntik ko nang mahulog ang mga hawak ko Stephen!" Singhal ko rito na ngumiti lang at binalewala ang sinabi ko.


"Good morning to you too sweetheart." Bati nito na kinairap ko lang at bumaling sa gilid nang manlaki ang mga mata ko sa lumabas galing sa elevator.


Mabilis kong tinulak si Stephen at nagtago sa likod nito habang sinisilip ang dalawang tao na naglalakad na ngayon papunta sa isang unit.


"Who's that woman? Bago niya?" Bulong ko na sinagot naman ni Stephen.


"Girlfriend daw niya iyan sweetheart, ano nga bang pangalan niya?" Napaangat ang tingin ko kay Stephen dahil sa sinabi nito, pinaningkitan ko siya ng mata na kinatawa nito.

"He introduced her to me last time when I caught them liplocking just outside his unit sweetheart." Anito
Wala ka talagang pinipiling lugar Brooke, hindi  mo man lang naisip na may cctv dito at nakikita ang kabalastugan mo, naiiling kong sambit sa isip.


"She looks older than us.......so hindi niya girlfriend iyong nahuli ko noon sa loob ng unit niya? That one looks younger naman." Abi ko, more like to myself while still looking at my twin brother and that woman walking towards his unit. Hindi ako tanga para hindi maisip kung anong pwedeng mangyari sa dalawang iyon pag nasa loob na sila.

"Ito ba yung sinasabi niya noon? That's why he sound happy in that call?" Napaayos na ako ng tayo nang makapasok ang dalawa, ni hindi man kami napansin dahil masyadong pokus ang dalawa sa isa't-isa.


"Oh, right." Nabaling ang tingin ko kay Stephen.
"Do you know a girl with red curly hair and green eyes?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong nito bago ako umiling dahil wala akong kilala- wait!! Nanlalaki ang matang tinignan ko siya.


"Bakit?"


"Dati kasi may nakita akong babae rito na umiiyak at parang may hinihintay rito sa floor natin. She have those features." Tugon ni Stephen.
Hindi kaya ang tinutukoy nito ay iyong kasama ni Brooke sa videong kinuhanan ni Lj sa bar noon? Does that mean the girl in the video really have a red hair not just because of the lights in that bar?


Damn, and she's crying? Because of what? Wait.....it's because of my twin brother?


"Kailan mo siya nakita?" Tanong ko at naglakad na pasakay sa elevator, sumunod naman siya saakin.


"When he introduced that woman to me, bakit?"


"Nothing" sambit ko at napatingin sa number na gumalagaw.
Maybe she saw my twin with that woman, maybe she likes my twin, hhmm.
Brooke Brooke Brooke, you brute hindi alam na may napapaiyak na pala tsk. Bahala siya sa buhay niya basta huwag siyang magkalat ng lahi namin, tignan ko lang kung anong gagawin sakanya ng parents namin kung mangyari man iyon. Huwag lang sanang maging gano'n si Isaac pag umabot siya sa edad namin ni Brooke. My precious bunso, sana libro lang ang atupagin niya huwag babae. I miss that guy, wala siya ngayon dito sa city nasa probinsya siya at isang buwan nakanila lolo sa mother side namin.










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Like A ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon