Chapter 7

287 6 0
                                    

Enjoy reading~

Brooklyn Ash

"You don't like it? Huh! As if I'll admit something to you Stephen John." Asar kong saad habang nakalubog ang katawan sa bath tub.

Bwisit na lalaking iyon, pagkatapos kong layasan kahapon umakto na parang wala lang habang nagtatrabaho kami. At ang walanghiya lalong dumikit sa babae niya.

"Argghh!!! What is it to you Brooklyn if he flirted with that girl or whoever girl he wanted? Bakit kung makareact ka para kang jowa na pinagtaksilan nang harap-harapan?" Singhal ko sa sarili at inabot ang wine glass sa gilid. Inisang lagok ko ito at padabog na nilapag pabalik.

"Masyado kang nagpapaapekto sa lalaking iyon Brooklyn, dapat wala lang sayo yung halik na pinagsaluhan niyo. Hindi ka teenager para damdamin ang halik na iyon na parang first kiss mo sa tanang buhay mo."
Kung may makakakita man saaking kinakausap ang sarili ngayon ay iisipin nilang nababaliw ako.

"Hindi ako nababaliw kundi nabibwisit ako dahil sa lalaking iyon." Depensa ko sa sarili. Napairap na naman ako nang maalala ang nakakairitang mukha nang babaeng iyon na pangalan pala ay Abby.
Kala mo naman kanya na si Stephen kung magmalaki saakin kahapon.

Huwag lang talaga kaming magkasalubong mamaya sa party baka hindi ako makapagpigil baka matulak ko siya nang masubsob ang makapal niyang mukha sa sahig.

Ring ring

Sinilip ko ang phone ko at nakitang tumatawag si Lj kaya inabot ko't sinagot.

"Hello" bati ko habang nagsasalin ng wine sa baso, nilaro-laro ko ang wine sa baso bago ininom.

"Hello? Really BA? I thought after one hour andito ka na? Nagsisimula na ang party, hinahanap ka na rin ni tita Franceska atsaka ni Carlos. Ano bang ginagawa mo't ang tagal mo?" Mahabang saad ni Lj, rinig din sa background niya ang mahinang tugtugin.
oh party na ba? Ano na bang oras?

Nilayo saglit ang phone ko at nakitang pass seven pm na pala. Isang oras na ako rito sa banyo?! Gulat na sambit sa sarili.
Pero nagkibit balikat lang ako bago sumagot sakanya.

"Wait Lj hehe." Sambit ko nang may pumasok na kalokohan sa utak ko kaya binaba ko muna ang tawag nang hindi hinihintay ang tugon niya.

Pumunta ako sa camera app ko at nilagay sa front cam. Nagselfie ako na hindi kita ang buong mukha, hawak ko rin ang wine glass ko habang nakalapat sa labing nakangisi. Kita lang ang bandang baba ng ilong ko at ang balikat kong naaabot ng maputing tubig. Nang matuwa ako sa kinalabasan ay nilagay ko sa rear-facing cam ang camera ko.

Umayos ako ng pagkakahiga sa tub, tinupi ko ang isang binti ko kaya lumitaw ang tuhod ko mula sa tubig. Tinaas ko naman ang isang paa ko at pinatong sa dulo kaya kitang-kita ang mahaba kong binti. Pinicturan ko iyon habang natatawa sa magiging reaksyon ni Lj lalo na ng mga pinsan ko.

Umupo na ako nang maayos at pumunta sa Ig.

"Hhhmm, ano kayang caption?" Bulong ko habang nag-iisip ng ilalagay na caption.
Umiinom ako ng wine habang nag-iisip.

"Ohh hehe" natatawa akong nagtipa at nang masatisfied ay agad din pinost.
Nilapag ko na ang phone ko at hindi pinansin ang tunog ng mga notification na dumarating.

"You're damn crazy Brooklyn" napapailing kong sambit habang nakangisi bago nilagok ang natitirang wine sa baso.









Tinatahak ko na ang daan papasok sa The Tipsy Bar, na ngayon ko lang ulit mapapasukan dahil 2 years ko rin iniwasan pumunta rito after that unfaithful night. Wala na saakin iyon, pinagtatawanan ko na nga lang minsan iyon e.

Like A ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon