Chapter 5

86.2K 3.5K 2.6K
                                    

Sumandal si Tadhana sa kotse ni Keanu habang pareho silang nakatingin sa mga kaibigan nitong hindi magkandaugaga sa pagkilos. Ang usapan, six ng umaga sila aalis, pero eight na, hindi pa rin tapos ang mga ito.

"Bakit parang hindi na nakagugulat sa inyo na nagmamadali ang mga friend ninyo?" tanong ni Tadhana kay Juancho na kaharap nila at naninigarilyo rin tulad ni Keanu.

"Hindi na talaga nakagugulat dahil palagi na lang." Umiling si Juancho at bumuga ng napakakapal na usok. "Sanay na kami riyan. Kung sakali mang tumupad ang mga iyan sa usapan, mas nakagugulat iyon."

Tahimik na sumandal si Tadhana sa kotse ni Keanu at panay pa ang hikab dahil maaga siyang gumising. Usapan nga naman kasi, 5:30 ng umaga siya susunduin. In fairness din naman kina Keanu at Juancho, 5:15 pa lang, nasa labas na ito ng bahay nila.

Suot ni Tadhana ang backpack niya habang may lollipop sa bibig.

"'Buti, pinayagan ka," natatawang sabi ni Juancho. "Sabi ni Keanu, baka raw tumakas ka ulit, e."

"Nagpaalam ako. Sabi ko, makikitulog ako sa friends ko," sagot ni Tadhana at tumingin kay Keanu. "Ikaw, tsismoso ka!"

Keanu chuckled. "Hindi! Tinanong lang ako ni Juancho kung sasama ka raw ba. E inalala ko na baka tumakas ka na naman. Takas Queen ka pa naman. Nakapunta ka na ba roon?"

Umiling si Tadhana at akmang magsasalita nang magsilabasan na ang mga kaibigan ni Keanu. Isa-isa na ring sumakay sa kotse ang mga ito, ni hindi man lang humingi ng pasensiya.

Lumapit si Juancho kay Tadhana at inaya na siyang pumunta sa kotse ni Keanu na naka-park sa pinakadulo.

"Palagi na lang ganiyan," naiiling na sabi ni Juancho, pero nakangiti ito at hindi naman naiinis. Mukhang nag-e-explain lang kay Tadhana. "Yosi?"

Tinanggap ni Tadhana ang yosi na inabot ni Juancho at inamoy iyon. Hindi naman niya sinindihan. Gusto lang niya minsan ang amoy ng bagong yosi galing sa kahon.

"Sa harap ka na sumakay," ani Keanu habang palapit sa kanila at ipinaiikot ang susi sa hintuturo. "Sa likod ka na, J. Sa harapan na si Tadhana."

Hindi na kailangang ulitin ni Keanu ang sinabi dahil sumakay sina Juancho at Benj sa likod ng kotse ni Keanu. Tiningnan naman ni Tadhana ang iba pang kaibigan nito na may kaniya-kaniya ring sasakyan.

Tahimik lang na nag-o-observe si Tadhana sa daanan habang nagmamaneho si Keanu at nagkukuwentuhan naman ang mga kasama nilang nasa likuran. It took them around twenty minutes.

Nag-stretch si Tadhana nang makababa ng kotse at ipinalibot ang tingin sa lugar. Maganda naman talaga, at base sa na-search nila, maganda kapag hapon o umaga lalo na kapag nasa ibaba ang mga ulap.

"So." Lumapit sa kanilang lahat si Melissa na siyang nag-book ng accommodation. "Sa tent tayong lahat matutulog. Walang magkukuwarto, walang masarap na kama. Kaya ang mga may balak gumawa ng milagro diyan, hinay-hinay muna."

Nagpatay-malisya si Tadhana kahit na alam niyang niloloko siya ni Melissa. Wala silang issue na dalawa o sa kahit na sino sa mga kaibigan ni Keanu.

Surprisingly, gusto niyang kasama ang mga ito at nakabibiruan pa niya, kahit na ang mga babae. Medyo kaugali niya. Ang kaibahan lang, mas pabebe ang mga ito lalo sa harapan ng mga jowa. Parang takot magkamali. Ekis.

"Hindi ka ba nilalamig?" tanong ni Keanu habang naglalakad sila papasok ng Valleypoint. "Naka-shorts and sando ka lang talaga?"

"Ang init kaya!" Inirapan ni Tadhana si Keanu. "Kayong mga turista lang naman ang feel na feel mag-jacket dito sa Baguio. Kaming mga local, kayang magsando sa kahit saan."

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon