Chapter 17

68.2K 3.1K 1.3K
                                    

Nagising si Keanu nang maramdamang wala si Sarki sa tabi niya. Mas madalas na siya ang katabi nito sa pagtulog dahil siya na rin ang nag-aasikaso lalo na at madalas na maagang nagpapahinga si Tadhana.

Hiwalay ang kama nila ni Tadhana, pero magkaharap. Mayroon lang drawer sa gitna kung saan may lampshade at doon din nakapatong ang iPad nito.

Nakita kaagad niya na nakatagilid ng higa si Tadhana at pinadedede nito ang anak nila. Nakataas ang damit hanggang sa tiyan habang katabi si Sarki na nakabalot dahil umuulan at medyo malamig.

Hindi sinasadya ni Keanu na mapatitig sa mukha ni Tadhana. Mukha itong mabait kapag tulog. Mukhang anghel na isinuka ng langit dahil napakasiraulo. Mukha itong pinalayas sa paraiso dahil malamang na puro mura ang lumalabas sa bibig.

With that thought, Keanu automatically chuckled silently. Naiisip niya si Tadhana habang kumukuha ng forbidden apple, kausap ang ahas, sabay mura dahil nagulat.

Keanu bit his lower lip and shook his head. Tumayo na rin siya at kinuha ang laptop para magsimulang magtrabaho. It was two in the morning, and he had to work. Lately rin kasi, nagiging needy and clingy si Sarki, at mas madalas na rin itong nagpapakarga sa kaniya.

Wala namang reklamo si Keanu sa parteng iyon dahil sa loob ng tatlong linggo, si Sarki ang priority niya. Hindi rin niya sinasabi kay Tadhana ang tungkol doon dahil malamang na kukunin na naman nito ang sitter.

It wasn't like Keanu was being prideful. Kaya naman niya, medyo nasasangkalan lang ang trabaho lalo na at gusto ng boss niyang bumalik na siya sa Manila. Ilang beses na ring tumatawag ang mommy niya tungkol sa pagbalik sa Manila.

Keanu was busy answering some emails and creating a report needed when he heard a cry. Nagmadali siyang umakyat para kunin si Sarki only to see Tadhana, who just woke up. Nakasandal ito sa headboard ng kama at inaalo ang umiiyak nilang anak.

"Let me." Kaagad na lumapit si Keanu kay Tadhana para kunin si Sarki. "Matulog ka na muna. Ako na ang bahala."

Tadhana shook her head. "Wait lang." Pumikit ito at huminga nang malalim. "Ako na. Ikaw, natulog ka na ba?"

Keanu shook his head while shushing Sarki who was still sobbing. "Nagwo-work ako sa ibaba para hindi na ako mag-work mamaya. Okay lang, ako na."

Imbes na magdiskusyon dahil gising na rin naman si Sarki, pareho na lang silang bumaba. It was already three in the morning. Nakakandong si Sarki kay Keanu na nakaharap sa laptop habang nagluluto naman si Tadhana.

Pancake lang ang naisipang gawin ni Tadhana dahil craving din siya. Gumawa rin siya ng kape ni Keanu dahil panay ang hikab nito. Sa kaniya naman ay mainit na gatas pa rin lalo na at magpa-pump siya.

"Gusto mo bang may butter?" tanong ni Tadhana habang inaayos ang pagkain ni Keanu.

Tumango ito, pero naka-focus pa rin sa ginawa kaya naman kinuha niya si Sarki at pumunta sa living area para manood ng TV habang dumedede ang anak.

For three weeks, it became their routine to take turns when it comes to taking care of their son. Umayaw si Keanu sa babysitter dahil gusto nito na mas focus sa pag-aalaga sa anak nila. Pero kumuha sila ng tagalinis ng bahay na araw-araw nagpupunta dahil pareho silang hopeless sa department na iyon.





Kumakain si Tadhana ng sandwich na pinabaon ni Keanu sa kaniya habang nakaupo sa damuhan ng university kasama sina Ezekiel at Fidel. May kasama rin iyong fresh milk na maliit.

"Kumusta naman ang buhay may-asawa?" nagbibirong tanong ni Fidel.

Kaagad na sumama ang mukha ni Tadhana sa sinabi ng kaibigan at binato ito ng gamit na tissue. "Ano ba 'yan? Paulit-ulit? Tatlong linggo ko nang sinasabi na magkaibigan kami ni Keanu, walang malisya. Ano ba?"

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon