Chapter 16

69.8K 3.1K 1.1K
                                    

Nagmamadaling tumakbo si Tadhana nang ma-receive ang message ni Keanu na nasa parking area ito ng school nila. Dalawang linggo na simula nang tumira sila sa isang bahay at naging routine na nito ang sunduin siya sa school.

Kahit palaging sinasabi ni Tadhana na huwag na, mapilit ito at magiging mahabang diskusyon iyon dahil may katigasan ang ulo ni Keanu.

Tadhana stopped walking when she saw Keanu carrying Sarki. Nakasandal ito sa kulay pulang kotse. Bago na ang kotse nito, pero Subaru pa rin na SUV type. Nalaman niyang paborito itong brand ni Keanu dahil sa ama.

May ilang estudyante ng school ang tumitigil at nakatingin kay Keanu lalo na at hindi naman talaga puwede ang bata sa loob ng campus. Sarki was giggling while playing with Keanu.

Hindi na muna kaagad lumapit si Tadhana dahil pinanood niya ang dalawa. Simula nang makasama nila ni Sarki si Keanu, mas naging malapit ang mag-ama at mas madalas pa ngang magkatabi sa pagtulog.

Hindi maikakailang mag-ama ang dalawa dahil parehong naniningkit ang mga mata sa tuwing tumatawa. Kahit na malakas ang dugo niya, mas nangibabaw ang itsura ni Keanu dahil sa mga mata.

"Sabi ko naman kasi, huwag na kayong pumasok, e." Lumapit si Tadhana at kinuha si Sarki na pinupog agad ng halik. "Saan na naman kayo galing?"

"Wala, sa bahay lang," ani Keanu at sumandal sa kotse habang nakatingin kay Tadhana. "Nakatulog lang din kasi kaming dalawa kanina, e."

Inaya na rin ni Tadhana si Keanu na sumakay sa kotse dahil ang dami na namang nakatingin. Ilang beses naman nang nakikita ng iba sina Keanu at Sarki, pero para pa ring nagugulat. Parang mga ewan.

"Nakapagtrabaho ka naman?" tanong ni Tadhana habang nakasakay sa backseat at kalong si Sarki. "Kung kailangan mong mag-work 'tapos wala pa ako, puwede mo namang tawagan si Ate Leny para kunin na muna niya si Saki doon kina Mommy."

Tiningnan siya ni Keanu sa rearview mirror nang takpan ang sarili at nagsimulang padedehin ang anak.

Isang taon mahigit na si Sarki, pero gusto pa rin ni Tadhana ang pakiramdam na dumedede ito sa kaniya dahil iyon na ang bonding nilang mag-ina. Sa maghapong wala siya dahil sa school, ang pagpapadede sa anak ang nagsisilbing koneksyon nila.

"Nakapag-work ako. Noong nag-meeting naman kanina, tulog si Sarki sa duyan kaya ayos lang," sagot ni Keanu.

Nakita ni Keanu ang dedikasyon ni Tadhana sa anak nila sa dalawang linggo niyang kasama ang mga ito. Kahit na sinasabi niyang tutulong siya, gigising pa rin si Tadhana sa madaling-araw para padedehin ang anak o kaya naman ay magpa-pump ng gatas para sa stock na gagamitin sa araw-araw.

"Inaantok ka ba o gusto mo na ba magpahinga?" tanong ni Keanu kay Tadhana.

Tadhana frowned. "Bakit? May balak ka bang puntahan?"

"Naglista kasi ako ng grocery para sa bahay. Kung inaantok ka na, puwede naman kitang ihatid sa bahay muna ng parents mo 'tapos babalik ako ng SM para mamili. Tingin mo?" tanong ni Keanu.

"Sasama na lang kami," ani Tadhana. "May gusto rin akong bilhin. Nagke-crave ako sa chocolates. Wala na yata 'yong stock ko sa bahay."

Keanu chuckled. "Sige. Dinala ko naman ang stroller ni Saki kung sakali, e."

SM was just almost a minute away from Tadhana's school. Pinatapos na rin muna niya ang pagdede ni Sarki bago sila bumaba ng kotse. Si Keanu ang nagtutulak ng stroller at panay naman ang hikab ni Tadhana.

"Ano ba'ng mga plano mong bilhin?" Kinuha ni Tadhana ang listahang hawak ni Keanu. "Ang dami naman nito! Ano 'to, pang-isang barangay ba ang nasa listahan mo?"

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon