Chapter 14

75.7K 3.3K 1.2K
                                    

Masamang nakatingin si Fidel kay Tadhana pagkatapos niyang magkuwento tungkol sa nangyari sa kanila noon ni Keanu. Hindi niya alam alam kung matatawa ba siyang naiinis ito sa kaniya o maiinis na naiinis ito.

"Tapos?" Umirap si Fidel sa hangin. "Ngayong nagkita na kayo, ano ang plano mo? In love ka ba?"

"Gago, kadiri! Hindi kami talo. Walang romance na involved, romansa lang noon." Napahagikgik sina Tadhana at Ezekiel. "Pero real talk, walang feelings. Mabait lang talaga si Keanu."

Naningkit ang mga mata ni Fidel. "E si Keanu sa 'yo?"

"Sure ako na wala rin. Ang communication namin ngayon, it's limited to Sarki lang. Wala rin naman akong balak o ano. At saka aalis na yata 'yon bukas, so wala talagang plano. Pero nabanggit na parang magsusustento siya, ewan ko."

It was a Sunday, four in the afternoon. Nag-message din si Keanu sa kaniya na baka late na itong makapunta dahil mayroong tatapusing event. Kinabukasan din kasi ay babalik na ang mga ito sa Manila.

"Gusto ko siyang makita, bakla," ani Fidel habang kumakain ng spaghetti na niluto ng mommy niya. "Curious ako, e. I mean, sobrang cute ni Sarki. Alam ko namang maganda ka, pero hindi lang naman ikaw ang may ambag."

"Gago ka," natatawang sagot ni Tadhana. Nakatingin siya kay Ezekiel na buhat si Sarki at nilalaro ito.

Naging routine na nina Ezekiel at Fidel na every Sunday, bibisitahin silang mag-ina lalo noong panahong hindi pa pumapasok si Tadhana sa school. Minsan naman, random lang na pupunta at bigla na lang manggugulo.

"Baka pupunta 'yon mamaya. Hintayin mo na lang para makilala mo na rin, total kating-kati ka naman," natatawang sabi ni Tadhana bago tumayo para kumuha pa ng pagkain, pero hindi pa siya nakapapasok ng bahay, mayroong taxi na tumigil sa gate nila.

Sumenyas at nagpaalam si Keanu kay Tadhana kung puwede bang pumasok kaya kaagad naman siyang tumango. Nakita rin niya sa peripheral view na tumingin sa kaniya si Fidel.

"Gaga, ang pogi," mahinang sambit ni Fidel na nakatingin pa rin sa binata.

Sakto naman kasing ngumiti itong si Keanu sa kaniya at bahagyang tumango bago bumaling ang tingin kay Sarki na buhat ni Ezekiel.

"Oh, akala ko ba, male-late ka?" tanong ni Tadhana at bumaba ulit galing sa balcony. "Bakit maaga kang dumating?"

"Makatanong naman, parang asawang nagulat na maagang umuwi!" Tatawa-tawa si Fidel na nag-cross legs at sinenyasan si Tadhana na ipakilala siya kay Keanu. "Partakam." Bilisan mo.

Inirapan ni Tadhana si Fidel at muling hinarap si Keanu. "Maaga natapos?" tanong niya at itinuro si Fidel. "Si Fidel, masama ugali niyan, huwag mong kauusapin. Mahilig din 'yan sa jutay."

"Gago!" bulong ni Fidel dahil kasama nila si Sarki dahil lumapit na si Ezekiel.

Itinuro naman ni Tadhana si Ezekiel. "Ito si Zeke, ex ko."

Bahagya namang tumango si Ezekiel na ikinangiti nina Fidel at Tadhana. 'Feel na feel ni bakla!'

"Nice to meet you," nakangiting sabi ni Keanu at kinamayan si Ezekiel.

Gustong matawa nina Tadhana at Fidel dahil biglang tumigas ang tindig ni Ezekiel, medyo mas lumalim pa ang boses. Hindi naman ito lantad na bakla, pero kapag may ibang taong kaharap, nagiging maton na para bang masarap na lalaking nakahain.

"Maaga rin kasing natapos dahil nagkayayaan na lang mamasyal ang mga kasama ko." Nakapamaywang si Keanu na nakaharap kay Tadhana.

Nakasuot si Keanu ng itim na long-sleeved polo at bodyfit pa kaya naman itong si Fidel, nakakagat pa ang labi, hindi naman bagay. Naka-fitted slacks din si Keanu at simpleng itim na sapatos. Ayos na ayos ang buhok nito at mukha naman talagang professional. Mukhang boss na mabango.

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon