Chapter 6

77.4K 3.2K 1.6K
                                    

Umalis si Keanu mula sa pagkakaibabaw kay Tadhana matapos niya itong halikan sa pisngi, saka tinanggal ang suot na condom. Binalot niya iyon ng tissue bago itinapon sa trash can na nasa loob ng kuwarto.

Nakamasid lang si Tadhana kay Keanu habang isinusuot nito ang kulay itim na jogger pants bago nahiga sa tabi niya.

Sinuklay ni Keanu ang buhok habang nakatingin kay Tadhana. Nakatakip na ito ng kumot at tumingin sa kisame bago pumikit.

Ibinalik ni Keanu ang tingin sa orasang nasa kuwarto, and it was already two in the morning. Tulog na ang mga kaibigan niya dahil bibiyahe na rin sila kinabukasan.

"Gusto ko nang umuwi." Tumayo si Tadhana at sinundan ito ng tingin ni Keanu. "Two na rin. Gusto ko na ring matulog."

Tadhana was still wearing her sweatshirt because they didn't bother removing it. Isinuot na lang niya ang strapless bra nang hindi naghuhubad pati na ang leggings at underwear.

Nilingon niya si Keanu na nakatingin sa kaniya. "Uuwi ka na kaagad?" tanong nito. "Ang daya, sex and run."

"Siraulo!" Binato niya si Keanu ng T-shirt nito. "Uuwi na ako. Ihahatid mo ba ako o hindi? Kung hindi, magbo-book na ako ng Grab."

Kinuha ni Keanu ang T-shirt na nasa kama at isinuot iyon. "Ihahatid kita, pero kumain muna tayo ng tapsilog. Nagugutom ako. Pagkatapos n'on, promise, ihahatid na kita."

Pumayag naman si Tadhana na kumain na muna sila, at habang binabaybay ang daan papunta sa tapsilugan, nagtatawanan silang dalawa tungkol sa napanood nila ng barkada nito habang nasa rooftop.

Nagkayayaang manood muna ng movie dahil hindi na rin naman puwedeng magsipag-inuman lalo na at bibiyahe na rin ang mga ito kinabukasan.

"Manang, may kape ka ba?" tanong ni Tadhana sa waitress ng tapsilugan nang ibigay nito ang order nilang tapsi at pares. "Kung wala po, puwede bang makahingi ng soup? Sinisikmura yata ako."

"Ang lakas mo kasing mag-soft drinks, e," ani Keanu habang pinupunasan nito ang kutsara't tinidor gamit ang tissue. "Huwag ka nang magkape. Magtubig ka na lang. Kapag masakit pa hanggang mamaya, daan tayo ng pharmacy."

Nakaramdam si Tadhana ng pagkaantok at napahikab. Ilang araw na rin siyang walang matinong tulog. Napadalas din ang pagtakas niya at halos gabi-gabi niyang kasama ang mga kaibigan ni Keanu.

"Ipitan mo buhok mo. Mamaya, sasawsaw na naman 'yan sa sabaw ng pares."

Suminghot si Tadhana at kinuha ang tali ng buhok niya mula sa pupulsuhan ni Keanu dahil kinuha nito iyon mula sa kanya.

"Mamayang umaga, ikaw mag-check out sa amin, ha?" sabi ni Keanu habang hinahalo ang sariling pagkain.

Umiling si Tadhana. "Baka si Ate Annabelle ang pupunta sa inyo. Never naman akong nag-check out ng guests." Humikab ulit siya. "At saka ang aga ng check out ninyo, malamang natutulog pa ako."

Tahimik silang kumain at paminsan-minsang humihikab si Tadhana dahil sa matinding antok. Sa isang linggo na rin ang pasukan niya kaya marami siyang iniisip lalo na at pang-umaga ang schedule na nakuha niya.

Nang matapos kumain, tumambay sila ni Keanu sa labas ng tapsilugan.

Nagsindi ng yosi si Keanu habang nakatingin langit. Walang mga bituin at tama si Tadhana, mukhang uulan. Nilingon niya ito na nakatitig din sa langit.

"Hindi ka ba nabo-bore dito sa Baguio?" tanong ni Keanu.

Umiling si Tadhana. "Wala akong balak umalis ng Baguio, ito lang ang lugar na gusto ko dahil nandito ang parents ko. Kung sakali mang mag-aasawa ako, rito pa rin kami titira."

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon