Chapter 13

79.8K 3.8K 2.2K
                                    

Alam naman ni Tadhana na tama ang naging desisyon niyang dalhin si Keanu sa bahay nila at ipakita si Sarki, pero buong exams, hindi siya mapakali. Ang dami niyang naiisip, lalo na at baka itakbo nito ang anak nila.

Siguro nga at alam niya ang ilan sa personality ni Keanu, pero hindi pa rin siya sigurado kung ano ba ang totoo.

Posible ba na mabait lang ito sa kaniya years ago dahil kailangan ng sex? Posible namang dahil lalaki ito. Sa dami rin naman ng lalaking nakilala niya, hindi niya maiwasang mag-isip.

Tadhana took her exams as fast as she could, and ran towards the parking lot. Gustong-gusto na niyang umuwi dahil natatakot siyang baka wala na si Sarki roon. Kapag nagkataon, ha-hunting-in talaga niya si Keanu, sasakalin, papatayin, at isisilid sa maleta. Iyon ang plano niya habang nagmamaneho.

Hindi pa nakisama na traffic, malakas ang ulan, at natagalan siya sa daan. Panay na ang hampas ni Tadhana sa manibela na para bang bibilis ang lahat kapag ginawa niya iyon.

Nang makarating sa bahay, nagmamadali siyang pumasok sa loob. Nagulat pa si Virgie dahil hingal na hingal siya na kinailangan pang huminto sa may pintuan para habulin ang hininga.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Virgie.

"Hindi . . . ba . . . tinakbo ni . . . Keanu si . . . . Sarki?" putol-putol ang pagkakasabi ni Tadhana dahil naghahabol siya ng hininga. "Hindi naman itinakbo anak ko?"

Mahinang natawa si Virgie at umiling. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak ng anak para isiping itatakbo ang anak nito. Hindi rin naman niya masisisi. "Umakyat ka na roon at magpalit. Maya-maya, tatawagin na namin kayo para sa dinner. Dito mo na rin siya pakainin."

Nagmamadaling tumakbo si Tadhana papunta sa second floor, at nang buksan niya ang pinto, naabutan niya si Keanu na nakahiga at natutulog habang nasa ibabaw nito si Sarki, nakadapa, natutulog, at naka-pacifier. Hawak pa ni Keanu ang likuran ng anak nila at mukhang tinatapik.

 Hawak pa ni Keanu ang likuran ng anak nila at mukhang tinatapik

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahan-dahang ibinaba ni Tadhana ang bag niya sa study table at maingat na naglakad papunta sa mag-ama

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahan-dahang ibinaba ni Tadhana ang bag niya sa study table at maingat na naglakad papunta sa mag-ama.

Kinuha niya si Sarki mula sa dibdib ni Keanu, pero kaagad itong napabangon at napahawak sa dibdib. "Shit." Keanu scratched his eyes. "Huwag mong gagawin ulit 'yon. Shit." Hinaplos nito ang dibdib. "Kararating mo lang? Kanina pa rin siya natutulog."

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon