Chapter 3

13 7 0
                                    

Chapter 3

Paano kaya ako makapatay ng tao na hindi alam ng kahit na sino? Kanina pa ako nag titimpi sa kanila, kung makatingin sila, parang ang baba ko. Kung alam ko lang, mga spoiled brat sila, ni hindi nila alam kung paano magsaing. Binalingan ko si Duke na tudo ngisi naman ang gago, kanina niya pa pinipisil ang aking kamay na parang panalo sa loto. 



Binigyan ko siya ng mamayang-gabi-ka-sakin na tingin. Pero nakangiti pa din siya, pero ngayon, kita mo ang takot sa mukha niya.



"So, how old are you Jewel?" Tanong ng isang chinitang babae.



"Same as you all." Nagsimula silang magbulungan. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ng cake.



"Ganon? pero bakit nagtratrabaho ka na?"



I chewed my food before gazing up on her again.



"Hindi mo ba alam ang part-time-job?"



Bumigay siya ng isang nakakainsultong tawa.



"Of course I know! but, you look elite, your skin is so fair. Kapag siguro binihisan ka si Duke ng mga branded dresses, mas magiging maganda ka." She pointed out. Bumaling siya sa mga kasamahan niya at nagtatanguan naman sila. 



Bumuntong-hininga ako, isinandal ang aking ulo sa balikat ni Duke at marahan na hinaplos ang kanyang kamay na nagpatigas ng kanyang mata sa'kin. I look at her, straight on the eye.



"Well at least ako, hindi pa branded ang damit ko, maganda na. Kaysa naman ikaw, branded na nga, hindi pa maganda." Ngumisi ako. 



Nanlaki ang kanyang mga mata at tumayo.



"How...dare...you!" Sigaw niya at tinuruan pa ako!



"Serine! don't point at her." Umaligawgaw naman ang malamig ngunit mabantang tono ni Duke. Ngumisi nanaman ako, nakahawak pa din sa kamat niya kahit na nakatayo na din.



Tila hindi makapaniwala ang kanyang mga kasama sa sigaw niya. 



Parang maiiyak na din si Serine. "She's insulting me, Duke!" sabi niya, nagpapa-awa.



"Yeah because you gave her a backhanded compliment!" Hinaplos ako ng Duke sa baywang, pinatayo, he roams his eyes around his friends, "were going, see you guys at school." Paalam niya at hawak hawak ng mariin ang aking baywang habang palayo na kami sa lamesa nila.



"You're leaving because of that cheap girlfriend of yours?" Pahabol na sigaw ni Serine.



Lumingon si Duke doon, halatang inis na inis na. Ang ganda naman ang acting skills nito, try niya kayang mag audition minsan. Hindi sa main role ha? yung mga extras.



"Apparently yes. I'd rather be with my cheap girlfriend than be with my friends who don't even give her enough respect." Hindi na siya nagsalita pa. Napatulala doon si Serine, hinang hinang bumaling sa'kin at binigyan ako ng isang makakapapatay na tingin, pero inirapan ko lang siya at sumunod na kay Duke.



Pagkababa namin, nasa harap na kami ng pinto, pero huminto na ako. Lumingon siya, nagtatanong.



"May trabaho pa ako. Iwan mo na ako dito." Umintig ang kanyang panga at umiling.



"No. We're going home, I'll excuse you, kilala ko ang manager dito." Tumingin siya sa harapan at tumango. Hindi na niya ako pinagsalita pa at binuhat na papunta sa kotse niya!



Jewel in the Sea(Puerto Princesa Series 5)Where stories live. Discover now