Chapter 7

5 2 0
                                    

Chapter 7

Paulit ulit akong napamura habang tumatakbo sa building. Hindi pala ako na inform na tag-ulan na pala. Inis kong binalibag ang aking mga dala sa couch at tumakbo sa cr para naman hindi ako magkasakit.



Idiniin ko ang aking likod sa pader habang matuloy ang mag ihip ng malamig na tubig sa aking katawan.



Napapikit ako at naalala ang nangyari sa nakaraang buwan.



Nakatitig kami sa isa't isa pagkatapos ng nangyari. Ang kanyang mata na puno ng iba't ibang emosyon. Napaiwas ako ng tingin at bumuga ng hangin.



What did we just do? We kissed?



"Duke..." I trailed off.



Nakapikit na din siya, siguro nakuha na niya ang gusto kong sinabihin.



"I-I'm sorry, fuck!" Maharas niyang mura at tumalikod at napamura ulit.



We watched the Aurora and after that, we didn't talk that much anymore. Everything became awkward that sometimes I just didn't want to meet his eyes, pero paminsan minsan, kapag nasa dining table kami, napapansin ko ang kanyang sulyap.



Napahilamos ako.



Ngayon ang kanyang kaarawan at nag text siya sa akin na sa bahay daw siya ng kaibigan niya matutulog dahil may projects daw sila.



Napa-iling ako at napa-irap. Hindi ko maiintindihan ang akin sarili. Nang nalaman ko na birthday niya, dumersyo ako para mag grocery at ipagluluto sana siya, pero bakit ba Jewel?



Wala kang paki sa kanya. Gusto mo lang ng pagtutulugan—pero boyfriend ko siya—ay hindi pala, he is not boyfriend in his eyes, isa lamang akong taong nakikitira sa kanya.



Napahawak ako sa gilid ng aking dibdib, kumirot ito dahil sa aking iniisip. Why am I this affected? I don't like Duke, never.



But how about the kiss? Bakit ko siya hinalikan pabalik at ngumiti pa? Dahil na siguro sa saya dahil dinala niya ako sa Aurora. Pero aaminin ko naman, hindi naman siya mahirap mahalin kung sakali. I will live here for years and it's impossible if I won't catch feelings— I groaned on the top of my head and sucked my breathe after looking at all the ingredients on the counter.



Sayang naman, lulutuhin ko na lang at kakainin mag-isa.



Tinitigan ko ang nakalapag na pagkain sa lamesa. May iba't ibang potahe na ako lang naman ang kakain, pero bago ako sumubok sa masarap na gera, sumagi sa isipan ko si Antonio.



Last time, he was treated rudely, this is the right time to treat him good.



Magka text ko sa kanya, he immediately agreed and after a few minutes, he was knocking at the door on his white polo shirt and slacks. His hair was brushed smoothly and also has beer on his hands.



"Pasok ka." Turo ko sa loob. He smiled and put the beer on the coffee table.



"Mamaya na yang beer, kain muna tayo." Tumango siya at nagtungo kami sa dining. Umupo ako at iginaya siya pero nanlaki ang kanyang mata.



"Woah, birthday mo?" Tanong niya na tila namamangha. Ngayon lang ba siya nakakita ng ganitong handaan? Siguro, puro modelling kasi ginagawa niya at siguro ang kanyang birthday ay sa bar na lang, window shopping, or even girl shopping.



Umiling ako. I felt a sudden grumble on my stomach. Birthday niya pero wala siya. Pansin naman na umiiwas siya sa akin. Was it because of the kiss? Maybe he was turned off because of how easy I was.



Jewel in the Sea(Puerto Princesa Series 5)Where stories live. Discover now