Chapter 13: Anda, Pangasinan!

438 12 0
                                    

Ced’s POV

Nasa sasakyan na ako at pinaharurot yun papunta kung saan ko iniwan sila Jeremae. Di ako makapaniwala na mabubuko kami.. kasalanan kasi toh ni Jeremae eh, tsk. Kung sana hindi na lang siya nagsalita edi sana NAKAKAIN PA KAMI NUNG HANDA!

Ggrrrr……

Ayan tuloy! Nagugutom na ako.

>____<

Tsk.

Pero bilib ako kay Strum ha! Akala ko makakalusot kami sa kanya, hindi pala.

Naamoy pa kami!

Para siyang aso…

Magaling umamoy ng pabango!

Anyway, eto nga! Papunta na ako kila Jeremae ng biglang may taong nakatayo at kumakaway di kalayuan sa kinalalagyan ko..

Itinabi ko yung sasakyan at bigla niya namang binuksan yung pinto sa passenger seat.

“hoy!hoy!hoy! ano-“ naputol yung sasabihin ko dahil narealize kung si Enrich lang pala yung sumakay.

Nung nakaupo na siya ng maayos, pinagpatuloy ko na yung pagmamaneho. Habang nagmamaneho ako, tahimik lang ang pinsan ko. Alam kong may problema siya. Yun ay si Strum. Bestfriend niya si Strum simula pagkabata. Mas alam pa nga ni Strum yung mga bagay-bagay tungkol sa pinsan ko kaysa saakin. Dati halos tabi sila kung matulog. Sabay silang kumain, mas lalo namang, sabay silang maligo.

Medyo nakakaselos silang dalawa kasi sila na lang lagi ang magkasama, ako yung pinsan diba? Tas pagsasama ako sa kanila, pagtatabuyan lang nila ako. Grabe!

Pero kahit ganun sila, mahal ko pa rin yang mga yan! Lalo na si insan! Siya na alng ang natitirang pamilya ko. Dahil halos lahat ng kamaganak namin namatay sa isang bus accident.

Masyado kaming nasaktan ni pinsan nun… nadoon nga’t nagging palaboy kami sa kalsada at kung minsan, dahil sa kahirapan at matinding gutom, nagagawa namin nun na magnakaw. Iba’t ibang paraan ang ginawa naming nun para mabuhay. hanggang sa…

Flashback…

 Umuulan nun at wala kaming masilungang magpinsan, basa na kami at medyo giniginaw na dahil sa lamig pero wala kaming makitang masisilungan kahit sana ngayong gabi lang, 6 palang ako at 8 na taon si Enrich. Dahil siya ang pinakamatanda sa amin, at wala pa akong kamuwang-muwang, siya madalas ang gumagawa ng paraan para makaraos kami sa araw-araw.

“dun tayo!” nanginginig niyang sabi. Patakbo kaming pumunta sa isang saradong tindahan… may mga karton sa gilid ng basurahan. Kinuha niya yun at inilapag sa semento saka niya ako pinaupo at duon, niyakap niya ako para daw hindi ako lamigin at magkasakit.

“sana tumila na yung ulan para makapag-laro na tayo! Diba gusto mo maglaro ng tumbang preso?!” magiliw niyang sabi kahit na medyo may pagka-garalgal na yung boses niya.

Tumango lamang ako nun, dahil na rin siguro sa sobrang ginaw hindi ko na magawang sumagot pa.

Gusto ko rin namang huminto ang ulan para makapaglaro na kami. Kaso habang tumatagal, palakas ng palakas yung ulan… hanggang sa makatulog na kaming pareho.

They Kidnapped The Ice Princess (Revising)Where stories live. Discover now