Chapter 15:Mutuality

369 13 2
                                    



Jeremae's POV

Nakaganun lang kami. Nakaupo ng magkayakap.

Yakap pa rin niya ako habang patuloy na umiiyak. Pero hindi na grabe.

"ssssshhhh...." Pagpapatahan niya. "andito na ako. Hindi kita iiwan!" sabi niya na may kasamang sincerity.

Tumango lang ako.

Basa na nga yung damit niya dahil sa kaiiyak ko. Kasi naman yung multong iyon, nanakot!

Nabigla ako nung bumitaw siya sa pagkakayakap and cupped my face with his hands.

"ssshhhh... tama na!" yun yung sabi niya habang pinupunasan niya yung mga luha na patuloy na tumutulo mula sa mga pisnge ko, gamit lang ang hinlalaki niya.

I tried to stop crying. But those tears... mga traydor! Ayaw magpaawat?!

"Jeremae, look at me. Look at me!" utos niya. Tumingin naman ako.

Pero umiiyak pa rin at di makapagsalita.

"jeremae, anong nangyare? Bakit ka sumisigaw at umiiyak? Huh?" sunod-sunod na tanong niya.

Ang dami naman niyang tanong, pwede bang magtake na lang siya ng Flashbacks?

-_____-'

Hindi ako nakasagot. Kahit gusto kong sabihin na may multo rito at gusto yata akong patayin, I open my mouth to speak pero walang boses na lumabas ko.

Kaya na pailing na lang ako at lalong umiyak. Sumubsob ako dun sa dibdib niya at doon umiyak na parang wala ng bukas.

Wala siyang nagawa kundi ang yakapin ako at patahanin.

Pero habang nakasubsub ako, ewan ko ba kung bakit bigla ako nakaramdam ng pagmanyakis at inamoy-amoy ko siya. Peo siyempre hindi halata, saka patuloy pa rin akong umiiyak.

Ang laki pala ng abs niya!

Shit!

Malandi yata ang character ko ngayon?

Di bale, gusto ko naman eh!

^_____^

"shhh... tama na!" sabi niya ulit.

Pero umiyak pa ako ng sobra, syempre para mas matagal pa akong nakasubsob sa dibdib niya!

"oy! May narinig kaming sigaw,anong nagyar-... ayhay! Sorry! Geh! Pagpatuloy niyo lang yan!" entrance ni Ced saka pinikit yung mga mata at tumalikod.

Agad naman kaming naglayo nung demonyong lider ng mga mokong.

Hanubayan?

Ilang seconds lang yun eh!

Dapat mamaya pa entrance ni Ced author!

Saying din yung abs!

>____<

Tumayo yung demonyong lider ng mga mokong habang ako pinupunasan yung mukha ko.

baka kasi pag nakita nilang umiiyak ako, Makita nilang weak ako.

"SI Jeremae yung sumigaw! Narinig ko din yung pagsigaw niya kaya pumunta ako kaagad dito!" paliwanag nung demonyong lider ng mga mokong.

"a-a ganun ba!...." tas humarap si Ced. "ano ba kasing nagyare?" tanong niya.

"m-may multo!" sabi ko habang tumatahan.

"pfft. May multo? Wwaaahhhhaahhaa! Wag mong sabihing nabiktima ka rin ni Mel? Hay naku!" sabi niya habang tumatawa.

They Kidnapped The Ice Princess (Revising)Место, где живут истории. Откройте их для себя