1

938 30 2
                                    


JEREMAE'S POV

Ang dilim

Wala akong makita.

Ramdam ko ang paggalaw ng sasakyan na kung saan ako'y inihiga.

dinig na dinig ko ang mga tawa at paguusap ng mga tao sa paligid ko.

Oo. wala akong Makita pero alam ko kung nasaan ako dahil sa mga ito..

Isa lang ang alam ko......

na kidnap ako.

Naririnig ko ang pintig ng puso ko... ramdam ko ang mabilis ng pagtibok nito.Aaminin ko, natatakot ako.

Pero kailangan ko itong itago... hindi ko dapat ipakita ang nararamdaman kong iyon...

Dahil oras na malaman nila ito.....

Siguradong wala na talaga akong kawala.

Mahapdi na ang mga kamay ko dahil sa higpit ng pagkakatali sa mga ito..

Ang ulo ko ay nahihilo pa rin dahil sa lakas ng pagkakapalo dito..

Nakadapa ang posisyon ng katawan ko..
Kahit na nahihilo ako, tandang-tanda ko pa rin ang mga nangyari bago nangyari ang lahat ng ito..

FLASHBACK......

Nasa harap ako ng gate namin... hinihintay ko si manang Mina.... Kasi naman ang kupad-kupad ng babaeng yun.. sabi ko kanina bilihan ako ng halo-halo sa may kanto....pero sobrang tagal niya.

Nakakainis na! bakit pa kasi tumatanggap ng ganung katulong ang mga tao dito!

Beeeeeppppp..........

Naghihintay pa rin ako ng biglang may bumusina sa likuran ko... hindi ko ito pinansin,

dahil baka hindi ako ang binubusinahan, mapahiya pa ako!

Bbeeeeeeeepppppppppp......

Nakakabwesit naman! Kung sino man yung binubusinahan niyan lumabas na!

Nakakainis eh!

"Mae!" ay anak ng tokwa!

Pagtingin ko sa likod, nakita ko si Erika. Ang bestie ko.

Nga pala, ako si Jerimae Fontanillo, Mae for short. 17 yrs. Old at nasa 2nd year college na. oh and I'm a daughter of the most richest man in the whole country.

I am also what they call..the Ice Princess.
Dahil daw sa mga cold na mata ko at ugali kong kasing lamig ng ice.

Ewan ba!

Parang o.a. naman ata yun!

Back to the scene.

"naligaw ka yata?" pataray kong sabi sa kanya.

"eto naman,. Bumibisita lang yung tao! Tinatarayan mo pa" pa-sweet niyang sabi.

"o sya, kailangan mo?" direct kong tanong, eh kilala ko tong best friend ko, pag may kailangan yan saka lalapit.

"ah......" di nya naituloy yung sasabihin niya ng biglang.

BAANNGGG!

May bigla akong narinig na tumigil na van sa likod ko at nagpaputok ng baril.

Lilingon sana ako pero hindi ko na nakita kung anong nangyayari kasi may biglang tumakip ng bibig ko...

Pagkatapos ay may naramdaman akong matigas na bagay na dumapo sa ulo ko.

Then all went black.

Pero di nagtagal nagising na rin ako.. at syempre para hindi mahalata eh di ako gumalaw sa posisyon ko.

narinig ko ang usapan nila.....

"pare, sigurado ka bang okay lang to?" tanong nung isang boses. At sa palagay ko lalake ito.

"pre, di kaya mapahamak tayo?" tanong nung isa pang lalake.

"tangina mga pre!...."pagmumura ng isang lalake. "nagsimula na tayo, wala ng bawian.."tuloy nito.

"saka ayaw niyo yun, double purpose ang ginawa nating ito." Double purpose? Hindi naman ako all purpose cream ha!

Pagkatapos nun hindi ko na sila narinig. Kaya gumalaw akong kunti kasi nangangawit na ako.

Kunting galaw ko lang, may malakas at matigas na bagay ang humampas sa ulo ko.

All went black again.

End of flashback

Pagmulat ko ng mga mata.

Agh! Masakit ang ulo ko. Napahawak ako dito.

may liwanag akong naaninag... medyo Malabo sya, kaya kumurap-kurap muna ako..

At nung malinaw na ang paningin ko. Agad akong tumingin sa paligid. Walang tao.

Nasaan ako?

Tinignan ko ulit ang paligid, sa paligid ko may ding-ding na kulay dirty white...may mga drawing dito pero hindi ko ito pinansin. Napatingin ako sa taas, medyo sira-sira na ang kisame. At may butas na maliit ito na kung saan tumatagos ang sinag ng araw.

Tinignan ko kung may bintana na sana ay dadaanan ko upang tumakas. Pero wala.

Walang bintana pero may pinto.

At sa pintong yun, may maliit na butas.

Pupunta sana ko dun pero nung papatayo ako, napatigil ako dahil may tali ang mga paa ko, ganun na din ang mga kamay ko. Sinubukan ko itong tanggalin, pero wala talaga!

Sinusubukan ko pa rin ang kalasin ito ,ng biglang bumukas ang pinto.

Nakita ko ang tatlong lalakeng nakamaskara... medyo matangkad sila at malalaki ang katawan.

Lumapit sa akin yung nasa gitna nila. Natatakot na ko.. pero hindi. Hindi ko dapat ipakita na natatakot ako.

"miss Fontanillo.." lumuhod yung lalake at hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit lamang ang iisang kamay.

Sa ngayon ay nakanguso ako. Nilapit ng lalake ang mukha nito sa akin. At tinignan ako sa mata. Kulay asul ang mga mata niya , at nanlilisik ang mga ito.

"wag ka ng magpumiglas at baka masaktan ka pa" pagbabanta niya.

Nakakainis! Sa lahat ng ayaw ko ay ang tinatakot ako.

Dinuraan ko ang mukha niya na syempre natatakpan ng mascara. Hindi man ito direkta, atleast nakaganti ako.

Pinunasan nito ang mascara gamit ang kaliwang kamay nito. Nagulat ako ng bigla niyang bitawan ang pisngi ko at sampalin ng malakas.

"pare, babae yan!" sabi nung isang lalake na nakatayo sa kaliwa nitong lalakeng kaharap ko.

Nagulat talaga ako at hindi nakagalaw. Para kasing hindi sampal yun kundi suntok.

Humarap ako sa kanya at tinignan ko siya ng masama.

"tandaan mo!..."pagbabanta nito. "kung ano ang sinabi ko yun ang masusunod dito. At kung ayaw mong masaktan ULIT, umayos ka!" diniinan niya ang word na ULIT. Habang nagbabanta eh, dinuduro niya ako.

Dahil sa inis ko, kinagat ko ang index finger niya..

"aaagghhhh!" sigaw nito. Halatang nasasaktan siya.

Bigla niya akong tinulak ng malakas at naging dahilan ito kung bakit nauntog ako sa pader.

"agh!" sabi ko.

Ilang beses nang nasasaktan ang ulo ko ha!

"pre, tama na yan!" sabi ng lalakeng nasa kanan.

Tumayo naman yung lalake kanina na tinulak ako, saka tumalikod. Aalis na sya pero bago tuluyang makalabas eh may sinabi ito.

"pagbabayarin mo ang lahat ng ginawa mo." Mahinang sabi nito. Pero narinig ko.

Anong lahat? Anong ginawa ko? Ano bang sinasabi niya?

Wala akong maintindihan. sino ba sila?

They Kidnapped The Ice Princess (Revising)Where stories live. Discover now