3

724 23 0
                                    

JEREMAE'S POV

Narinig ko ang lahat ng pinagusapan nila!

Hindi ko sila magets.... Lalo na yung lider nila.

Ano bang ginawa ko sa kanya?

Ang gulo!!!!!

Actually hindi naman talaga ako natulog... pinakinggan ko lang yung usapan nila...

"pero hindi mo magagawa ang isa sa mga plano mo kung may sakit siya!" sabi nung lalakeng naka kulay pula kanina... siya yung magpapakain sana sa akin.

"basta!..." sigaw nung lider nila. "gagawin ko ang mga plano ko para mahirapan siya at masaktan ng sobra-sobra " pagtatapos nito ng sentence niya...

Ha! Pahihirapan? O my gulay makulay ang buhay ni malunggay!

Grabe nakakatakot naman sila, ako isang prinsesa, pahihirapan?

Aba! Nung buhay pa ang mga magulang ko ni lamok hindi makadapo sa akin, tapos sila...

Sila...

BBBAAAAMMMM

Ay tokwa't baboy!

Awtomatikong napatayo ako sa sobrang gulat ko .. eh paano ba naman binuksan ng mga alien yung pinto ng pagkawagas-wagas...

At Inuluwa ng pinto ang isang demonyong ipinatapon yata ng impyerno sa lupa dahil sobra na ang ka-demonyohan nito.....

"Ba't gising ka pa?" sigaw ng demonyong lider nila...

Tsk.

Hindi ko sya sinagot at bumalik na sa kama ko at humiga... tapos yung demonyo at mga tokmol umupo sa may couch na malapit sa kama ko...

"narinig mo ba?" tanung nung nakapula na naka dekwarto pa!

MGA WALANG UTAK TALAGA TONG MGA TOH!!

"ano ako bingi? Syempre naman noh!..."wala pa man ako sa gitna ng speech ko, eh napa face palm na yung lalakeng naka puti at nakapula, samantalang nanlilisik na yung mga mata nung demonyong lider nila...

Sa totoo lang.....

NAKAKATAWA YUNG MGA MUKHA NILA!!!

Hahhhahahhaahhah!!

Para tuloy nabaliw yung utak ko sa mga toh!

Ehem.... Back to scene tayo Derek!!!

"WALA BA TALAGA KAYONG MGA UTAK?..." pagkasabi ko nung mas lalong nanlisik yung mga mata nung demonyong lider nila...

Grabe nakakatakot...

Nagging seryoso din yung dalawang mokong...

Nakakatakot talaga...

BBBBBRRRRRR........

Hala! Para tuloy kaming nasa blood plus, ung anime na pumapatay ng mga bampira...

Teka....

Ano konek nun?

Nababaliw na ata ako...

"sinong matinong tao ang hindi makakarinig nun, eh ang lakas lakas ng pagkakabagsak ng pinto, at saka kahit yata bingi maririnig yun eh!" pambabasag ko sa mga seryosong mukha ng mga mokong!

Yung dalawang kanina eh, makareact wagas ayun, parang nabunutan ng tinik.. samantalang yung lider nila eh, poker face lang..

"gutom ka na ba?" tanong nung naka kulay white... omg! Salamat at natanong niya yan!

They Kidnapped The Ice Princess (Revising)Where stories live. Discover now