2

801 23 1
                                    

JEREMAE'S POV

Magulo pa rin ang utak ko at nanakit pa sya...

Bakit? Kasi yung lalakeng yun... hindi ko magets yung sinasabi nya.

Ano bang pinagsasabi niya? Anong kasalanan ko at gagawin nila akong all purpose cream?

Ilang minuto na ang nakakalipas ng marinig ko yun....

At ilang minuto na rin na kumakalog ang... 

Grrrrrrrrrrrriiiiiiiii..............

Utak? Hindi.

 ang tiyan ko!

paano ba naman eh hindi pa ko naglu-lunch.

Ilang Segundo lang ng kumulo ang tiyan ko, biglang bumukas ang pinto. Nakuha nito ang atensyon ko..

May isang lalake na nakatayo doon at may hawak na tray. Sa tantya ko ay nasa 6'2 ang height nito.

Lumakad ito papunta sa akin saka lumuhod. Inilapag nito ang tray na napansin kong may pagkain.

Tinignan ko ang mga mata nung lalake at hindi tulad nung isa na kumausap sa akin kanina, kulay brown ang mga ito.

At sa mga matang iyon, nakita ko ang sinseridad. Sinseridad na hindi ko pa nakikita, parang..Awa?

Anak ng! sa lahat ng ayaw ko ay ang kinkaawaan ako.

Tinignan ko sya ng masama...

Iniripan nya lang ako.

"kamain ka." Sabi nito.

Tinignan ko lang yung pagkain, at humarap ulit sa kanya. Nakita kong parang bored siya at nilalaro na lang yung fingers niya sa may sahig.

"pwede bang magtanong?" pasimple kong tanong sa kanya.

"nagtatanong ka na diba?"  sabi niya ng hindi man lang tumitingin sa akin.

I rolled my eyes. Bwesit naman oh!

Kalian pa nagging sagot ang isang tanong sa isang tanong?

Grabe! Napakapelosopo ng lalakeng toh!

"bakit nyo to ginagawa?" tanong ko na lang.

Natigilan siya sa paglalaro sa sahig....

Ilang Segundo rin syang natigilan at biglang tumingin sa akin...

Pag ka tingin niya, nadoon pa rin yung awa na nakita ko kanina....

Nagkatitigan lang kami pero hindi niya sinagot ang tanong ko.

"ano ba ang sinasabi ng isa nyong kasamahan kanina?" nagtanong ako ulit. Kasi naman hindi niya ako sinasagot.

He open his mouth but then he didn't speak...and after a few seconds.. he close it again.

"ano ba?"tanong ko ulit. Pero this time, may halo na itong inis.

Hindi pa rin sya sumagot.

Hinayaan ko na lang siya at tumigil sa pagtatanong.

Akala ko, nakakabingi ang mga maiingay na bagay pero sa ngayon, parang nakakabingi ang katahimikan.

Ilang minuto ay tumayo na siya at tumalikod sa akin.... Pero humarap din sya at sinabing...

"miss, pera lang ang habol ko dito, pero  yung isa paghihiganti..." nagulat ako sa sinabi niya.

Paghihiganti? Ano bang ibig niyang sabihin?

"isipin mong mabuti ang mga nagawa mo sa nakalipas na mga araw.. at baka mahulaan mo ang kasalanan na nagawa mo sa kanya....," pag tutuloy nito saka na umalis.

They Kidnapped The Ice Princess (Revising)Where stories live. Discover now