Chapter 4

1K 26 3
                                    

Enjoy reading~<3

Addison

"Bye po manong" sambit ko at nagmamadaling bumaba ng sasakyan.

"Sht sht late na ako." Bulong ko at mabilis na tumakbo.

"Miss Addison ang art supplies niyo po!" Mabilis akong bumalik sakanya at kinuha ang inabot niyang bag.

"Salamat manong, bye po see you later." Sambit ko at mas binilisan ang takbo.

Habang tumatakbo ay tinignan ko ang relo ko kaya hindi ko napansin ang naglalakad sa harapan ko.

"Ouch" daing ko nang napaupo ako sa impact ng banggaan namin.
Ano ba naman late na nga ako ehh. Kahit mabait si sir Clinton nakakahiya pa rin malate.

Kaya iritado kong tinignan ang nakabangga na ngayon ay nakayuko at may pinupulot sa sahig. Dahil sakanya lalo akong late eh. Nakabusangot akong tumayo at pinagpag ang maikling palda.

"Here, I'm sorry by the way." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita.
Nawala ang pagkabusangot ng mukha nang sumalubong saakin ang nakangiting mukha ng lalaki.
"Miss?" Aniya na nagpabalik sa katinuan ko. Kainis weakness ko ba ang mga gwapo? gosh.

"I'm sorry din" nahihiyang sambit ko at inabot na ang bag ng art supplies ko.
"Sige alis na ako." Paalam ko at nagmadaling pumunta sa klase ko.

Mabilis akong pumasok sa backdoor ng kwarto at mabilis na tumabi kay Maddie na katabi ang boyfriend niyang si Fred.

"Gosh" hinihingal kong sambit at pinatong sa katabing upuan na bakante ang mga bag ko.

Naagaw ko naman ang atensyon ng magkasintahan sa sinabi ko.

"Hi" sabay nilang sambit  na ikinairap ko sakanila.

"Ang aga-aga ah." Sita ko sakanila nang makitang magkahawak ang mga kamay nila.
Tinawanan lang ako ng dalawa sa sinabi na ikinailing ko.

"Bakit ngayon ka lang Addie? Buti na lang lumabas saglit si sir pogi, though mabait naman si sir saatin." Baling saakin ni Maddie
Tawag namin kay sir Clinton ay sir pogi dahil literal na pogi siya ahaha.

"Nalate ako ng gising Maddie." Tugon ko
Napuyat ako sa pagdrawing kay Bryce hehe. Puro na lang siya ang laman ng sketchbook at mga canvas ko haayy.

"Ano bang ginawa mo kagabi?" Aniya

"The usual hehe." Tugon ko bago nagcheck ng bag kung nadala ko ba lahat ng kailangan ngayon.

"Ahhh.... baka naman mapuno na ang art room mo sa kakapinta ah hehe." Aniya na ikinatawa ko. Though hindi niya alam kung sinong pinipinta ko these past few days. Wala pa rin siyang ideya about sa feelings ko kay Bryce and I want to keep it that way for now. Tsaka ko na siguro sasabihin sakanya iyon.





Limang minuto na pero hindi pa rin bumabalik si sir pogi kaya nagkwentuhan muna kami nina Maddie.

"Excuse me, is this seat taken?"
Marahan akong tinapik ni Maddie sa braso at may tinignan sa likod ko.

"Ang gwapo Addie" she mumbled na ikinaungot ni Fred. Kunot ang noong lumingon ako sa likod ko at tinignan ang lalaking nakatayo.

Nang pinakatitigan ko siya ay nanlaki bigla ang mga mata ko nang makilala ang lalaki.

"Ikaw?!" Sambit ko bigla
"I mean, aahmm. Dito ka pala sa klase namin." Dagdag ko

Ngumiti siya kaya lalo akong napatitig sakanya, nang sikuhin ako ni Maddie at may binulong.

"Is the seat taken daw ba Addie" bulong niya

"Ahh, wala palang nakaupo rito." Sambit ko at kinuha ang mga bag ko. Etong katabing upuan ko na lang ang bakante sa klase kaya rito siguro siya dumiretso. Obviously Addie gosh ahahah.

Paints & Guns [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon