Chapter 20

924 16 0
                                    

Enjoy reading~

Addison

"There, all good." Nakangiting sambit ni Avery pagkatapos niyang palitan ang dressing ng sugat ko.

Mangha akong nakatingin sakanya at sa maayos na pagkakalagay ng dressing.

"Thanks" marahan kong saad at nginitian siya.
Si Xander na ang nagtabi ng mga ginamit ni Avery. Napasulyap ako sa pinto nang hindi pa bumabalik si Bryce.

"So, ate Addison" sambit nito na kinalingon ko sakanya

"Hhmm?" I hummed at pinakatitigan siya. Ang gandang dalaga nito at siguradong maraming nagkakagusto sakanya sa school nila. Naiimagine ko ang itsura ni Bryce habang tinataboy ang mga magbabalak na manligaw sa kapatid niya hehe.

"Kayo ba ni kuya ko?" Inosenteng tanong nito na kinabigla ko at bahagya pang nanlaki ang mga mata ko. Nilingon ko si Xander na napailing lang sa tanong ng kapatid, binalik ko kay Avery ang tingin.

"Ahhmm hindi...."

"But?" Anito na hindi ko nagets agad

"But?" Takang sambit ko
Ngumiti siya nang malaki saakin.

"I heard 'but' in your answer ate." Aniya
My mouth formed a small o, tumikhim ako bago nilingon ulit si Xander at tinignan kung nakatingin ba siya o nakikinig saamin. Though kahit hindi ko na ilihim 'to dahil alam naman na ni Bryce ang nararamdaman ko kaya ok lang kung malalaman ni Avery.

"I like your brother" I mumbled at nahihiyang napayuko.

"Iihhhhh" tili nito bigla na kinagulat ko, may narinig pa akong bumagsak at ang pabulong na mura ni Xander.

"Fck" binalingan ko siya at nakitang nahulog nito ang med kit sa sahig.

Marahan akong niyugyog ni Avery sabay nagpapadyak-padyak pa ng paa dahil sa nalaman. Nakamaang lang ako sakanya at nabibigla sa nangyayari nang dumagundong sa buong silid ang isang sigaw.

"AVERY QUINN!"

"Ay kabayo!!" Bulalas ni Avery at mabilis na nilingon ang pinanggalingan ng sigaw. Napasunod naman ako at napakurap ng ngayon lang napansin ang suot ni Bryce. White t-shirt and black sweatpants, nakapambahay din siyang tsinelas.
Ang gwapo gooshh, bulalas sa isip.

"What the hell are you doing?" Inis na saad nito at naglakad palapit habang may dala-dalang tray na puno ng pagkain.

"Ahh ano hehe sorry kuya, kinilig lang ako sa sinabi ni ate eh." Nakangiting sambit ni Avery at parang wala lang rito ang inis na nakalarawan sa mukha ni Bryce kung ako iyan baka naihi na ako sa kinauupuan ko. Katakot din minsan si Bryce pero like ko pa rin siya hehe. Walang makakapagpabago roon.

Napalingon saakin si Bryce at tinaasan ako ng kilay, inilingan ko lang siya bago binigyan nang maliit na ngiti.
Bumuntong hininga siya bago nilapag sa side table ang tray at tumayo nang maayos bago naghalukipkip.

"Avery changed her dressing kuya." Biglang sabi ni Xander na nakatayo na malapit sa pinto. Mabilis siyang nilingon ni Bryce. Tahimik ko lang silang pinapanuod at napatingin kay Avery nang yumuko siya at paglaruan ang mga daliri niya sa kamay.
"Our little future doctor here did a good job with changing a dressing. Hindi ka na hinintay at siya na ang gumawa." Dagdag nito.
Future doctor? Sambit sa isip.
Wow, bata pa lang alam na niya ang gusto niya paglaki. Siguradong magiging mabuti siyang doctor sa future.

"Avery Quinn" mariin na pumikit si Bryce bago napailing.
"You two go downstairs and eat dinner. Mom and dad will be home late tonight, so go to bed early. Ikaw na magpatulog kay Ryker mamaya Xander." Dagdag niya na kinatango ni Xander.

Paints & Guns [Completed]Where stories live. Discover now