Chapter 25

834 11 0
                                    

Enjoy reading~


Addison

Next day

Yakap ang unan na nakasandal ako sa headboard ng kama ko sa bahay namin. Kararating lang namin dito ni Bryce kaninang after lunch, wala si ate Allison nung dumating kami at ang sabi ni manang hindi raw umuwi mula kagabi.

Sobrang busy niya these past few days lalo na graduating business student pa siya. Kung may alam lang talaga ako sa business, tutulong ako para kahit papaano hindi masyadong mabigat ang problema sa kumpanya ni mommy.
Sa pagmomodel na lang ng mga bagong damit sa kumpanya ni mommy ang matutulong ko.

And speaking of that, pinapanuod ko ngayon si Bryce na tignan lahat ng pictures ko noong unang sumabak ako sa pagmodel sa kumpanya ni mommy.

Hindi niya ako tinigilan para lang makita iyong magazine na hawak niya ngayon na may mga mukha ko.

His eyebrows are furrowed while staring at every pages that I'm there in that magazine. I don't know why he's acting like that since yesterday e, I also don't want to assume something with his behaviour.

"Bryce, kanina mo pa tinitignan iyan? Ano bang hinahanap mo sa mga picture ko?"
Tanong ko at nangalumbaba sa unan na nasa kandungan ko.

Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa pagtingin-tingin. Napanguso ako't napailing na lang, pinasadaan ko ang ayos niya at hindi maiwasan mapangiti dahil ang gwapo-gwapo niya sa ayos niya eheheh.

He's sporting a loose black tshirt and an army green cargo pants paired with black boots. He look like a member of an army with his outfit, bagay naman kasi look at that body hehe. Well, their business is security agency kaya bagay lang na malaki ang katawan niya hehe.

Gosshh Addison, you're checking him out na grabe, napapailing na lang ako sa sarili ko. Who wouldn't eye this man kapag naglalakad siya sa labas? Napaka-eye catchy niya naman kasi especially to girls noh, kasama na ko roon ehehe.

Hindi ko lang naman siya gusto dahil do'n, there is something in him the first time I saw him sa birthday ni daddy, he made my heart beat fast with every moves he did that time. Unang kita pa lang pero grabe na ang tibok kaagad ng batang puso ko sakanya, yung malalalim niyang tingin at ang seryoso niyang mukha ang lalong nagpapawala sa tibok ng puso ko noon.

Pero simula nung naging personal bodyguard ko siya ay lalo atang lumala ang puso ko. Kaya patuloy akong nahuhulog sakanya e lalo na yung pag-aalaga niya na minsan hindi halata ehehe.

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko nang may kumatok.

"Hija, magmerienda muna kayo ni Axel." Ani manang

Bumaba ako sa kama at lumapit sa pinto, pagkabukas ko ay bumungad si manang na may dala-dala na tray na naglalaman ng dalawang sandwich at dalawang baso ng juice. Akmang kukunin ko kay manang ang tray nang unahan ako ni Bryce na nakalapit na pala saamin.

"Ako na po manang" magalang na sambit niya na kinangiti ni manang bago ako binaling ng tingin na may panunukso.
Pinipigilan ko ang ngumiti nang malawak sa tinuran ni manang. Mahina akong humagikhik nang pasimple niya akong tinusok sa tagiliran nang tumalikod si Bryce saamin at naglakad sa maliit na mesa malapit sa bintana ko.

"Hija"

"Po?" Magalang kong sambit.
Sinilip niya muna si Bryce na ngayon ay inaayos na sa lamesa ang merienda namin, binalik ko kay manang ang tingin nang marahan niya akong hinawakan sa braso.

"Hindi kaya makita niya yung nasa art room mo hija? Balak mo bang ipakita sakanya iyon?" Anito
Oh right, may balak nga pala akong ibigay sakanya yung isang art piece ko na pagmumukha niya ang nakapinta hehe.

Paints & Guns [Completed]Where stories live. Discover now