Chapter 12

885 22 0
                                    

Enjoy reading~

Addison

"Addie, I think we should go back now." Biglang saad ni Maddie na ikinalingon ko sakanya.
Andito na kami ngayon sa bagong bukas na cupcake shop sa mall. Nakaupo kami sa isang table for 4 at hinihintay ang tinake-out na isang dosenang cupcake.
Bumalatay sa mukha ni Maddie ang pag-aalala na ikinabuntong hininga ko.

"It's okay Maddie, I can handle it, I'm just buying some time to ready myself from him." Amin ko sakanya tho I can feel my heart is beating so fast than usual. Sinong hindi kung pagkatapos sabihin ni Bryce ang mga katagang iyon ay agad niya rin pinutol ang tawag. Hindi ko alam kung pupuntahan niya ako rito at parurusahan na naman o aabangan niya ako sa bahay.

I know it's my fault lalo na lumabag na naman ako sa mga rules niya. Ang dali lang kasing magpaalam sakanya, hindi mo pa magawa Addie. Magpapaalam ka lang kung kailan nakabihis at paalis ka na.









Ayaw kong maramdaman sakanya ang takot dahil ayoko na balang-araw ay iyon ang mangibabaw saakin. Na balang-araw matatakot ako sakanya't kamumuhian siya sa mga ginagawa niya saakin.

I just want him to feel what I feel for him, pero paano kung lagi siyang magagalit saakin kung lagi kong nalalabag ang mga patakaran niya.

"I don't know Addie but I feel something with kuya Axel sometimes, sakanila ni kuya Maldren. I heard them talking about something pero hindi ko magets atsaka malayo sila saakin noon." Aniya na nagpapukaw sa atensyon ko.
Nilaro-laro ko ang straw ng shake ko habang nakatingin sakanya na nasa harapan ko.

"Something?" Curious kong sambit na ikinatango niya bago nilapit ang mukha saakin.

"One time, pumasok ako sa kwarto ni kuya para sana hiramin yung jacket niya pero may hindi ako sinasadyang makita sa cabinet niya." Mahinang turan niya at may takot sa mga mata niya na ikinataka ko, naglikot-likot muna ang mga mata niya sa paligid bago tumitig saakin ulit.

"A-ano?" Bulong ko at nautal dahil sa kaba sa maririnig mula sakanya lalo na konektado si Bryce kay kuya Maldren.

Bumuka ang bibig niya pero kalaunan ay nagsara rin dahil sa kung anong tinitignan sa likod ko.

"N-nevermind Addie, isipin mo na lang wala akong sinabi ngayon." Aniya habang nakatingin pa rin sa likod ko na ikinalingon ko habang nakakunot ang noo.

Suminghap ako nang magtama ang mga mata namin, napalunok ako nang makitang madilim ang tabas ng mukha niya habang mabibigat ang mga paang naglalakad palapit sa mesa namin.

Napansin ko naman tinitignan siya ng mga taong nasa paligid namin pero kalaunan ay mag-iiwas din ng tingin. Sinong hindi kung makakita ka ng lalaking masama ang aura sa paligid niya at parang lulusob sa kung saang giyera.

"A-addie." Mahinang bulong ni Maddie at halata ang kaba
"I never seen kuya Axel like that before, sa tingin ko masama talaga na lumabag ka sa rules niya." Dagdag niya na ikinalunok ko habang nakay Bryce pa rin ang tingin.

Ganoon na ba kabigat ang kasalanan ko sa paglabag sa mga patakaran niya? I mean......hindi na ako bata para masyado niya akong higpitan, anong hindi bata you're still a 16 years old girl, sabat ng isip ko. Pero excuse ba iyon para sa ibang patakaran niya? Katulad nung huling rule niya, lalo na I'm studying in a coed school where there are alot of boys.

I'm really confused with his rules dahil ilang beses kong binasa kanina habang nasa daan kami, I don't want to assume pero sinabi rin ni Maddie iyon kanina.

His rules.....

Pinanuod ko siyang pasaldak na umupo sa tabi ko nang hindi nilulubayan ang tingin niya saakin.

Paints & Guns [Completed]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin