1. My Mcdo Guy part one

138 9 54
                                    

-start-

*hingal here, hingal there*

Hindi naman halatang hinihingal kong tinakbo ang mall hanggang sa makarating ako doon. Nang makatapak ako mismo sa floor nito, halos matumba na ako sa sobrang pagod. Bwisit, bakit kasi sila nagmamadali? Hindi ko tuloy alam kung may naiwan ba akong gamit sa room. Eh kasi naman eh! Masyado silang apurado!

At kung nagtataka kayo kung bakit ko sinasabi ang mga 'to, 'yun ay dahil nag-aya lang naman ang mga magagaling kong kaibigang mag-lunch sa McDo at treat daw nila ako. Ayos na sana eh. KAYA lang, masaklap ang aking buhay. Bakit? Nauna na kasi sila at NAIWAN ako! Nope, nope. I mean, INIWAN nila ako! Anong klaseng kaibigan sila? Kulang na nga lang tumanggi ako sa alok nila dahil nakaka-badtrip kaya lang sayang naman kung....

ONE MESSAGE RECEIVED

From: Anne Joy

Sunod ka dito sa ***. Manlilibre raw si Mecah ng lunch, McDo. Tig-two piece chicken. With matching sundae pa 'yun, aangal ka pa?

Bukod sa may halong pagbabanta 'yung text niya, ayaw ko pa rin namang sayangin ang opportunity. Kaya nagmamadali akong tumakbo from school to the mall! Ang tanga ko diba? May pera naman ako pero hindi man lang pumasok sa isip ko ang mag-trycicle.

Pinunasan ko agad ang pawis ko at dumiretso sa McDo. Dito raw kasi nila ako hihintayin kaya doon ako pumunta. Pero nang makarating naman ako dun, wala. Wala ni isa sa kanila. Ano ito plastikan? Bakit wala sila dito? Nantri-trip ba sila o sadyang hindi lang talaga pumunta? O baka naman hindi nila ako nahintay kaya umuwi na?

Grabe naman sila! Porke ba mabagal akong tumakbo ganyanan na? iiwanan na nila ako agad-agad? Hindi ba man lang nila naisip na sila ang nang-iwan sa akin? Tapos ngayon iiwanan pa nila ako? Psh, bwisit ulit! Bakit ang malas ko? Mabuti na lang talaga at may baon akong pera kundi isa akong ligaw na tuta ngayon na babalik sa school para kainin ang baon kong sardinas! Psh! Humanda talaga sa akin ang mga 'yun mamaya! HINDI KO NA SILA BATI! Huhuhu

Nanlulumo akong lumapit sa counter at nag-order ng isang chicken fillet. 'yun lang naman kasi ang pwede kong bilhin ditto sa P50.00 ko. Sorry na, poor kid is me eh. Huhuhu.

'Pagka-order ko naman, agad akong umikot para maghanap ng vacant seat. Sa kamalas-malasan ko nga naman ulit, WALA! Walang vacant seat sa loob kaya naman lumabas ako kasi may mga upuan rin doon. Halos maiyak naman ako nang malamang puno na rin ang mga seats sa labas. Ano ang gagawin ko ngayon? Nakatayo habang kumakain? Waaah! Kailangan ko pa tuloy hintayin matapos 'yung mag-inang negrita dito sa tapat ko na parang first time kumain ng fried chicken!

Limang minuto rin akong nakatunganga hanggang sa marinig kong mag-burp ang batang nasa tapat ko kaya eksayted akong lumingon sa kanya sa pag-aakalang makakaupo na rin ako.

Yep, pag-aakala lang. Bakit? Naunahan kasi ako ng isang lalaking naka-hoodie at shades. Badtrip lang, ang bilis niya kasing nakaupo kaya hindi man lang ako nakahakbang palapit.

But wait, sino nga ba siya para agawin ang seat na ilang milyong taon kong hinintay?!

Agad akong lumapit sa kanya na nakaupo na ngayon at handa nang kumain. Sinipa ko 'yun upuan niya dahilan nang takang paglingon niya sa akin.

Wowowowowowowowow, ang gwapo ng fes. Ang kissable ng leps. Emeged. I'm gonna dieee! Ano kaya ang fes nito kung walang shades? Kamukha niya kaya si Myungsoo Vevelabs ko? EMEGED! Why is he so gwapo? Ahihihihi! *naglaway*

"What?" natauhan lang ako nang sabihin niya 'yun. EMEGED! Ang hot ng boses niya!

"u-uhm..." parang na-speechles yata ako dahil sa kanya. Crush ko na yata si Kuya. Ahihihi.

XiuSparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon