2. My Mcdo Guy part two

105 10 48
                                    

Ewan ko kung anong pumasok sa baliw kong utak at bumalik ako sa McDo matapos ang araw na 'yun. Para siguro Makita siya ulit. Noong una, nabigo ako. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa, bumalik ulit ako sa sumunod na araw. And guess what? Nandoon nga siya sa MISMONG seat na inupuan niya-I mean namin.

Nilapitan ko ulit siya nun at kinausap gamit ang tissue. The kilig factor is, nahuli ko siyang naglalabas ng ballpen sa bulsa niya! Asdfghjkl diba?! First time ko siyang makitang ginagawa 'yun that time. 'Yung feeling na inaaksaya niya ang tint ng ball pen niya para sa akin. Kilig much bH3sZxszS!

Ang kaya lang, kahit anong pilit ko, hindi niya pa rin sabihin ang name niya. Pero ang dagdag niya nang araw na 'yun, JD raw ang initials ng pangalan niya. Ang rami ko nang hula n'un like John Dhee, Jax Denver, Jogols Dusty, Jucrupito Dasmodus, Joholane Dhogge, etc. Ah basta! Sinabi ko na lahat at ang pinaka-unique na pangalan sa buong universe pero ni minsan hindi ako nagging tama! 'yung totoo, alien ba siya kaya C34579.MCT ang name niya? Urgh!

Pero kahit na ganun, nalaman ko namang every Saturday, Wednesday, at Friday ang punta niya sa McDo. Ewan ko lang kung bakit. Pero, O ha? Naka-points na rin ako doon dahilan ng pagpunta ko sa McDo tuwing mga araw na 'yun. Minsan nga hindi ako nago-order at sa mismong baunan ko ako kumakain makasabay lang sa kanya. Noong una iritang-irita siya sa akin at halos ipagtabuyan niya na ako pero nasanay na rin siya na may Marjie na bigla-biglaan na lang makikikain sa harapan niya. Napansin ko ring hindi na siya lumilipat ng seat. Dahil ba doon sa seat na 'yun kami unang nagkita kaya hindi na niya 'yun nilubayan? Pati nga mga costumers at clients na McDo hindi na umuupo dun eh! Nasanay na siguro sa kanya-sa amin. Kilig matsZxscXxzcSzcZ!

Parang naging routine na rin namin 'yun. Kapag kumakain kami nang sabay, ako lang 'yung nagdadaldal at siya naman tumatango lang. minsan ko lang siyang naririnig na magsalita. At hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Ang sakit 'di ba? Feeling ko tuloy napaka-corny ko dahil tinitingnan niya lang ako sa tuwing nagsasabi ako ng jokes. Nasanay na rin kaming dalawa na sa pamamagitan lang ng tissue nag-uusap kapag kumakain pa. ang titipid ng mga sagot niya. Pero at least nagsayang siya ng oras para sa akin!

One more thing, 'yung SHADES niya. Bwisit. Hindi niya pa rin 'yun inaalis. Minsan nga, tinanong ko siya kung bulag ba siya kasi hindi niya pinapakita ang mata niya o nasunog ba 'yun o whatsoever o kaya naman wala siyang mata since birth. Ewan ko nga rin kung close kami o ano. Basta three months namin 'yung nakagawian. Pero hindi pa rin nababawasan ang pagka-cold niya. May mga times na hindi talaga siya nagsalita o tumingin sa akin pero may iniwan na note sa tissue bago umalis. Sweet namin diba?

Sa sobrang pagka-sweet, nalaman ko ang pangalan niya....after 3 months.

Jules Daniell.

Nakakainis diba? Nasayang ang lahat ng laway at pagod ko sa paghuhula tapos 'yun lang pala ang meaning ng JD niya. Pero kahit na ganun, nakakakilig pa rin at feeling ko napaka-special ko dahil sinabi niya ang name niya sa akin sa isang araw na hindi ko inaasahan...

Noong araw na 'yun, umalis na siya sa pagkakaupo niya and it's now my turn to check kung may note ba siya. Hindi ko na nga lang alam ang magiging reaksiyon ko nang mabasa ko 'yun.

Jules Daniell Fererro. Not Jogols or what. You're lucky, sinabi ko sayo ang pangalan ko.

'yun ang pinaka-mahabang sinabi niya sa akin....so far.

Pagkatapos ko 'yung malaman? Ang alam ko na lang, sobrang taas na ng pride ko kahit most of my friends, hindi ako maintindihan. Nagtataka na nga rin sila kung bakit bigla-biglaan na lang akong tatakbo palayo at sasakay sa trycicle papuntang McDonald's tuwing Wednesday at Friday. Si Mama naman, hindi na ako nakakapag-paalam sa kanya tuwing Saturday. Ang saya diba?

XiuSparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon