5. Choke [YME Special xD]

137 9 127
                                    

A special chapter made for Garey Lee's(YME) ultimate number one fan-slash-girlfriend(CHAR HAHAHA) no other than....

Nicole's POV (KimMyungsooIsMine )

Anak ng puta bakit kasi ang tagal ng uwian namin?! Gabing-gabi na tuloy ako nakauwi! Pero actually, hindi pa naman gabing-gabi. Sadyang OA lang talaga ako. Pero shet, 6pm na! Pagagalitan ako ng kuya ko kapag hindi ako nakauwi nang maaga lalo na kung hindi pa ako kumakain kasi baka palayasin lang niya ako. Baka mamatay pa ako sa gutom. At dahil super ganda ko at matalino pa, dumaan ako sa isang food stall.

"Ate oorderin ko lahat."

Tiningnan niya ako nang masama, "Lahat? Kaya mong bilihin lahat?"

"Eh....oo naman. Ano ang tingin mo sa'kin PK?!"

"Sabi ko nga." Inirapan ko siya at naghanap ng mauupuan para siyempre makaupo! Alangan hihintayin ko lahat ng order ko habang nakatayo? Pagod na nga ako mas papagudin ko pa ang sarili ko?! Sira ka ba?

Habang naghihintay ng order nilabas ko muna ang cellphone ko para mag-selfie. And omg, I'm so fat na pala. Huehuehue!

"Ito na po 'yung order niyo," sabi nung babae kanina at inirapan ko lang ulit siya at tinisod. Masama ako eh. Wahaha. Tiningnan ko 'yung pagkain ko at shet malupet ang dami nga! Yum!

Isa-isa ko 'yung sinubo at shet, ang sarap lahat! O baka naman sadyang gutom lang talaga ako? Basta! Kinuha ko 'yung burger at sinubo ang kalahati nun saka ako nagpunas ng labi ko. Sunod kong inubos 'yung spaghetti at saka 'yung pancit.

Akmang isusubo ko na 'yung isang buong burger ulit nang maramdaman kong nauubo ako. Kaya naman nilaklak ko 'yung buong C2 hanggang sa maubos. May limang fruit juice pa naman diyan.

Sunud kong kinain 'yung pizza nang maubos ko 'yung pangalawang burger. Ininom ko na rin 'yung kalahati ng mogu-mogu para yummy. Pinagtitinginan na ako ng lahat ng tao dito pero wala akong pake at isinubo ulit 'yung pangatlong burger na large.

"KASI NAMAN! BAKIT ITONG ISA MEDIUM LANG? DIBA SABI KO JUMBO?!" sigaw ko doon sa nagtitinda kaya dali-dali naman silang lumapit sa akin at pinalitan 'yung order ko.

"Sorry po! A-aray!" sabi naman nung isang waiter kasi inapakan ko 'yung paa niya. Kumuha ako ng tissue at pinunas 'yun sa bibig ko. Punyeta! Bakit naubos ko na agad?! Ang bilis naman! Gutom pa ako eh!

"Grabe, hindi ba siya nabibilaukan diyan?"

"Oo nga eh. Mamaya tatae 'yan ng marami."

"Isn't she not choking?"

"Inulit mo lang sinabi ko tanga!"

Sinamaan ko ng tingin 'yung mga nagbubulungan, "MANAHIMIK KAYO! WALA KAYONG KARAPATANG GANYANIN AKO MGA PANGET!"

Agad naman silang napatikom at saka nagpatuloy na sa pagkain.

"AH ANG TAGAL NAMAN!" sigaw ko dun sa waiter at sakto namang paparating na siya sa akin kaya bibigay niya na 'yung order ko. Tiningnan ko siya nang masama at binato ng tissue. Again, nilantakan ko 'yung mga pagkain at nilaklak 'yung Sprite at Tropicana.

Nakayuko akong kumakain pero naramdaman ko pa rin na may umupo sa harapan ko. Hmp! Hihingi lang 'yan ng pagkain eh! Mabuti pang 'wag na lang pansinin.

Naramdaman ko ulit na hindi pa siya umaalis at dahil makulit ako, inabot ko 'yung isang burger habang hindi nakatingin sa kanya. "Oh!" Pero hindi niya 'yun tinanggap kaya napilitan akong kainin na lang rin 'yon.

XiuSparksDonde viven las historias. Descúbrelo ahora